^

Bansa

Presidential bets gusto i-reporma party-list system na '77% puro mayayaman na'

James Relativo - Philstar.com
Presidential bets gusto i-reporma party-list system na '77% puro mayayaman na'
Presidential candidates attend the second round of Comelec-sponsored Pilipinas Debates 2022 at the Sofitel Philippine Plaza Manila tent in Pasay City on Sunday, April 3, 2022.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nais magpatupad ng ilang kumakandidato sa pagkapresidente ng reporma sa sistema ng party-lists sa bansa — panay mayayaman na raw kasi ang nakauupo rito kahit ginawa ito para sa mga sektor na "marginalized" at "underrepresented" na nais bigyan ng boses sa Kamara.

Naitanong kasi sa ikalawang debate ng Commission on Elections (Comelec), Linggo, kung dapat na ba itong ibasura o repormahin na lamang.

 

 

Marso 2022 lang nang maglabas ng pag-aaral ang election watchdog na Kontra Daya kung saan sinabing 70% sa mga party-lists ngayon ay napasok na ng mayayaman, political dynasties, malalaking negosyo, atbp. Ang iba mga nga rito, pinangungunahan ng incumbent local officials o may kaugnayan sa gobyerno at militar.

Ito ay kahit snabi sa Republic Act 7941 na para ito sa mga sektor gaya ng mga manggawa, magsasaka, mangingisda, urban poor, katutubo, matatanda, may kapansanan, kababaihan, kabataan, beteranp, OFWs, propesyunal atbp.

Jose Montemayor Jr.

Reporma o ibasura?: I-reporma

Ayon kay Montemayor, kailangan manatili ang representasyon ng mahihirap sa paggogobyerno at hindi ito tanggalin. Gayunpaman, "nagulo" raw ito nang husto nang magkaroon ng iba't ibang desisyon ang Korte Suprema kung sinu-sino ang dapat mapasok dito.

"Alam niyo po, binago nang binago, gumulo nang gumulo until 'yung party-list system pumasok na sa mayayaman. 'Wag po nating tanggalin itong party-list system ngunit ibalik natin sa original definition and intent of the framers of the continution... underrepresented and not necessarily marginalized," paliwanag ni Montemayor.

"Ang nangyayari ngayon, 77% ng ating party-list system, panay mayayaman na. Binuksan ng ating Supreme Court ang gate ng hell papunta sa mayayaman. Hindi kailangang i-abolish, kailangan lang nating dalhin sa original intent of the framers of the contitution."

Ipinipilit ni Montemayor na walang salitang "marginalized sector" sa R.A. 7941, kahit meron naman talaga:

The State shall promote proportional representation in the election of representatives to the House of Representatives through a party-list system of registered national, regional and sectoral parties or organizations or coalitions thereof, which will enable Filipino citizens belonging to the marginalized and underrepresented sectors, organizations and parties, and who lack well-defined political constituencies but who could contribute to the formulation and enactment of appropriate legislation that will benefit the nation as a whole, to become members of the House of Representatives.

Sa kabila ito, umaasa si Montemayor na ma-"police" ng Supreme Court ang sarili nito upang hindi na mabago-bago ang interpretasyon ng batas depende sa administrasyon, dahil nawawala na raw ito sa intensyon ng R.A. 7941

Francisco "Isko Moreno" Domagoso Jr.

Reporma o ibasura?: I-reporma

Naniniwala si Domagoso, alkalde ng Maynila, na dapat panatilihin ang party-list system ngunit kailangang magkaroon ng maraming safeguards upang matiyak na hindi ito ma-hijack ng mayayaman mula sa Metro Manila.

"Party-list system must continue, but we have to put safeguards whether through empowerment of Comelec on distinguishing membership [and nominees] of the  party-list... Are they really representing the marginalized? Are they really representing the intent of the law when it was crafted?" sabi ni Mayor Isko.

"'Yun po tingin ko, kailangan tayong gumawa ng isa pang batas... or maybe through People's Initiative... isama ko na siya sa proposal na change ng political system natin."

Kasama sa panukalang batas mula Konggreso o People's Initiative na kanyang itutulak ang pagbabalik ng Pilipinas sa isang two-party system, at kapag nanalo sa eleksyon ang presidente, dapat maihalal na rin daw ang kanyang bise upang hindi mag-away ang dalawang pinakamtaas na opisyal sa bansa.

Bukod pa rito, nais niyang maglagay ng dalawang senador mula sa mga iba't ibang rehiyon para "malimitahan" daw dang mga mayayamang taga-Maynila na gumagawa ng party-lists.

Norberto Gonzales

Reporma o ibasura?: Hindi sinagot, sang-ayong i-review ito

Giit naman ni Gonzales, ang party-list system ay bahagi ng parliamentary system ngunit napanatili raw kahit na tumungo na sa presidential ang gobyerno sa ilalim ng 1987 Constitution.

"[N]oong tayo po ay nagdesisyon kung ano ang uri ng pagpapatakbo ng pamahalaan ang gusto natin, natalo po 'yung parliamentary system. Sabit po dapat 'yan ng party-list na dapat tinanggal pero nanatili, nakalimutan po yatang tanggalin," banggit ng dating Defense secretary.

"Iba't iba na po ang naging definition ng party-list. Sabi po ni Dr. Montemayor, rebyuhin po natin ang original intent ng contitution."

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

DEBATES

PARTY-LIST

REFORM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with