Atienza 'seryosong iniisip' umatras sa VP race; Lacson pinaba-back out din
MANILA, Philippines — Pinag-iisipan na nang husto ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza — running mate ni Sen. Manny Pacquiao — ang pag-atras sa pagkandidato sa pagkabise presidente, ito habang hinihimok si Sen. Panfilo Lacson na mag-back out na rin sa 2022 presidential race.
"Very seriously," ganito isalarawan ni Atienza, Huwebes, sa reporters kung gaano niya sineseryoso ang option na ito.
"I can handle the health reasons... as you said, I can handle my affairs via Zoom but the thing is, if it’s not helping anymore, a man like Manny Pacquiao, you give him a clean break."
Vice Presidential candidate Lito Atienza says he is seriously considering backing out of and pushing for Senator Tito Sotto to tandem with Sen. @MannyPacquiao. However, he is also calling for Sen. Ping Lacson to withdraw from the presidential race. @News5PH @onenewsph pic.twitter.com/k6qjgbGP5N
— Mon Gualvez (@mongualvez) March 31, 2022
Matatandaang natigil ang pangangampanya ni Atienza kasama si Pacquiao habang nagpapagaling mula sa isang operasyon matapos magkaroon ng problema sa tuhod.
Kaugnay nito, hindi rin nakadalo si Atienza sa ilang VP debates.
Pacquiao-Sotto tandem vs Marcos-Duterte?
Umaasa naman si Atienza na aatras din sa laban si Lacson, na iniwan sa ere kamakailan ng Partido Reporma para suportahan ang kandidatura ni Bise Presidente Leni Robredo.
Aniya, opisyal na ititigil ni Atienza ang kanyang kandidatura oras na gawin ito ni Lacson at magkasundo sina Paquiao at Sen. Vicente Sotto III, na running mate ni Lacson. Malaki raw ang magagawa nito upang madiskaril ang posibilidad na manalo sina presidential at VP frontrunners Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
"I am praying and hoping that Ping [would back out]. He already knows the realities of his political position. I hope he backs out too and that could change the whole structure that could completely demolish Bongbong-Sara tandem," ani Atienza.
Kasalukuyang nasa ika-apat na posisyon sa Pulse Asia pre-election survey si Pacquiao, habang nasa top two ngayon sa surveys si Sotto.
Positibong tinanggap ni Sotto nitong Miyerkules ang suwestyon na siya ang dalhin nina Pacquiao bilang VP kung umatras bigla si Atienza.
"I am humbled and will certainly appriciate such a move. Lito Atienza has, is and will always be a true statesman," banggit ng senate president kahapon.
"I AM HUMBLED."
— News5 (@News5PH) March 30, 2022
Ito ang reaksyon ni Senate Pres. Vicente Sotto III sa tila pag-endorso sa kanya ng kapwa vice presidential candidate na si Buhay Rep. Lito Atienza. pic.twitter.com/ScxTx1nrjn
'Ang bastos, nakakainsulto'
Kung ikinagalak ni Sotto ang tila pag-endorso sa kanya ng kanyang katunggali sa VP race, bad trip naman si Ping sa panawagan sa kanyang itigil ang pangangampanya pabor sa katunggaling si Pacquiao.
"That's kabastusan to say the least. For somebody like him na mas matanda pa sa akin, na magsasabing mag-back out ako sa [pagkandidato] without even consulting me, that's insulting," ayon kay Ping sa isang press conference ngayong araw.
"I am not backing out... Who is he to tell me to withdraw?"
WATCH: Presidential bet @iampinglacson rejects Lito Atienza's call for him to back out of the race. Lacson suggests for Atienza to learn his GMRC. @News5PH @onenewsph pic.twitter.com/plbST3jqda
— marie ann los banos (@maeannelosbanos) March 31, 2022
Pinayuhan ni Lacson si Atienza na bumalik sa paaralan para kumuha ng GMRC (good manners and right conduct) dahil sa kanyang "kabastusan."
Nangyayari ang lahat ng ito ngayong 39 araw na lang ang nalalabi bago ang 2022 national at local elections sa Mayo. — may mga ulat mula sa News5
- Latest
- Trending