^

Bansa

Mga kritiko, supporter binati si Duterte sa huling birthday bilang presidente

James Relativo - Philstar.com
Mga kritiko, supporter binati si Duterte sa huling birthday bilang presidente
Photo shows President Rodrigo Duterte blowing out a candle placed on top of a cup of rice for his 76th birthday in 2021.
Sen. Bong Go

MANILA, Philippines — Umulan ng bati para kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-77 kaarawan ngayong Lunes, ang huli bago siya bumaba bilang presidente sa Hunyo 2022 — ang ilan sa nagpadala ng birthday greeting, matitindi niyang kalaban sa pulitika.

Si Digong, na humaharap sa imbestigasyon sa International Criminal Court (ICC) para sa "crimes against humanity" dahil sa kanyang human rights record at madugong gera kontra-droga, ang pinakamatandang nanalo sa pagkapangulo sa kasaysayan ng Pilipinas noong 2016.

"Happy birthday Mr. president! It has been an honor and a priviledge serving in your Cabinet in the past six years," ani Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isang video greeting ngayong araw.

"Happy birthday [former Davao City] mayor!"

Ganyan din naman ang ipinaabot ni House Speaker Lord Allan Velasco sa kanyang mensahe ngayong araw.

Karangalan po namin na kayo ay maging kaibigan at kaagapay. Mapalad kami na mabahagian ng inyong talino at kaalaman," ani Velasco na tumatayo ring kinatawan ng prohinsya ng Marinduque.

"Sa ngalan ng mga mamamayang Marinduqueño, at ng sambayanang Filipino, salamat sa inyong tapang at malasakit para sa bayan. Maligayang kaarawan po, mahal na Pangulo!"

 

Kahit suportado ang 2022 presidential bid si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, na katunggali ng running mate ni presidential daughter Sara Duterte-Carpio, ipinaabot din ni Mother's for Change party-list first nominee Mocha Uson ang kanyang mensahe ng pakikiisa sa pangulo. Si Duterte-Carpio ang kandidato sa pagka-VP sa ilalim ni presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

'Nagbangayan tayo dati, pero happy birthday'

Kahit nakabangga sa ilang isyu, mainit din ang naging pagbati ni presidential candidate Sen. Panfilo Lacson kay Digong. Aniya, kahit ganito ay sinamahan daw siya dati ng presidente sa ilang mahihirap na yugto ng kanyang buhay.

"Happy 77th birthday Mr President. I wish you good health and peaceful life after noontime on June 30," ani Lacson kanina.

"We may have disagreed on several issues, even called each other out a few times, but I can never forget you were there for me in one of my difficult times in the distant past."

Magtatapos ang termino ni Duterte sa ika-30 ng Hunyo bago palitan ng magwawaging kandidato sa May 2022 national and local elections.

Huling kaarawan bago arestuhin?

Hinimok naman ni Communist Party of the Philippines (CPP) chief information officer Marco Valbuena si Digong na "enjoyin" ang ika-77 birthday ngayong araw — posibleng ito na raw kasi ang huli "bago siya ikulong" dahil sa mga isyu ng extrajudicial killings at paglabag sa karapatang pantao.

"In a few months, as soon as he steps down from his official term as Philippine President, the Filipino people will without a doubt demand that he be prosecuted for the countless crimes against humanity," ani Valbuena kanina.

"Whatever the outcome of the May elections, the Filipino people will surely raise their demand for Duterte to be immediately arrested and be made to face the International Criminal Court or local courts where charges can be filed."

Maaari rin daw magtayo ng "special revolutionary people's courts" ang mga komunistang namumuno sa armadong New People's Army (NPA) para arestuhin si Duterte para harapin ang taumbayang humihingi ng katarungan.

Bukod sa "state terrorism" ni Digong, pahaharapin din daw ang pangulo tungkol sa mga isyu niya ng "katiwalian," kabiguang depensahan ang mga yamang dagat ng Pilipinas at pagiging "sunud-sunuran" sa Estados Unidos at Tsina na magtayo ng kanyang mga base militar sa loob ng bansa.

"Tiyak na hindi patatahimikin ng mamamayan si Duterte sa dami ng krimen niya laban sa sambayanang Pilipino," saad pa ni Valbuena. "Uusigin siya ng bawat Pilipino at hahabulin... para makamtan nila ang hustisiya. Iisa ang sigaw nila: Panagutin si Duterte, ikulong at pagbayarin!"

BIRTHDAY

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

DELFIN LORENZANA

LORD ALLAN VELASCO

MOCHA USON

PANFILO LACSON

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with