^

Bansa

Libu-libong trabaho lilikhain sa e-sabong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maaari umanong pagkakitaan ng mga Filipino ang e-sabong kung mare-regulate ng tama.

Ito ang sinabi ni Ako Bisaya Partylist Rep. Sonny Lagon kasabay ng paggigiit na mayroong mga ilang sektor ang makikinabang mula sa  online cockfighting o e-sabong para maalis ang kaisipan na ito ay ‘evil.

Ayon kay Lagon, dahil sa COVID-19 pandemic ay maraming industriya ang naapektuhan kabilang na dito ang industriya ng sabong dahil sa health restrictions at pagsasara ng may 300 cockfighting arenas nationwide kaya marami ang nawalan ng trabaho.

Kaya ayon kay Lagon, vice chairman ng House Committee on Games and Amusements, na ang pagbibigay sa e-sabong ng franchise para makapag-operate ay welcome sa mga sektor na magbebenepisyo sa industriya at mga konektado dito.

Partikular na tinukoy ng kongresista ang commercial breeders, 60,000; backyard breeders, 30,000; at poultry supply stores, na tinatayang nasa 14,000 nationwide.

SONNY LAGON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with