^

Bansa

Grupo ng kabataan sa Comelec: I-disqualify 'bogus' party-lists sa halalang 2022

Philstar.com
Grupo ng kabataan sa Comelec: I-disqualify 'bogus' party-lists sa halalang 2022
Individuals Queue for Voter registration outside the COMELEC office in Quezon City. Comelec Spokesperson James Jimenez announced that the Commission approved the resumption of voter registration from 8am to 5pm in areas under MECQ (September 6, 2021).
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Hinahamon ngayon ng isang grupo ang Commission on Elections (Comelec) na tuluyang tanggalin o idiskwalipika ang ilang party-lists sa darating na eleksyon sa dahilang hindi raw kinakatawan ng mga nabanggit ang mga sektor na kanilang napili.

Ito ang pahayag ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK), Miyerkules, sa poll body tatlong araw bago ang 2022 dahil sa "panloloko" raw ng ilang party-lists na nagpoposturang bahagi ng napagsasamantalahang sektor — kahit hindi naman talaga.

"Instead of granting marginalized sectors much-needed representation [in Congress], these slots are instead taken by the elite pigs who already run the system that drains the poor of their lives," ani SPARK national coordinator John Lazaro sa isang statement kanina.

"The fact that ‘seafarer’ party-list Marino has not fielded a single seafarer as a candidate for the House of Representatives should say it all about who this bogus party-list really represents."

Ika-24 lang ng Disyembre nang maglabas ang Comelec ng tentative list ng 171 party-list groups na posibleng makasama sa 2022 national elections.

Posibleng ika-7 ng Enero pa mailabas ang pinal na listahan ng mga kandidato sa 2022 elections, ani Comelec spokesperson James Jimenez. Dahil dito, pwede pang ma-disqualify o ideklarang nuisance candidates ang ilang nasa tentative list sa ngayon.

Itinatag ng Republic Act 7941 ang party-list system sa Pilipinas sa layuning magkaroon ng kinatawan ang mga napag-iiwanan, napagsasamantalahan at nasa laylayang sektor (marginalized) ng lipunan upang makapagpasa ng mga batas na mapakikinabangan ng buong bansa.

Party-list nina Mocha Uson, Duterte Youth kinastigo rin

Ayon pa sa SPARK, kwestyonable ang pagpapatakbo ng Mothers for Change (MOCHA) party-list kina dating OWWA deputy executive director Mocha Uson at Miss Universe Philippines 2020 2nd runner-up Michele Gumabao — hindi naman kasi sila nanay.

Ni minsan din daw ay "hindi nagtulak ng aktwal na isyu ng kabataan" ang Duterte Youth party-list sa lehislatura, na siyang ipinangalan pa kay Pangulong Rodrigo Duterte. Kilala ang grupo sa ginagawa nitong red-tagging sa loob ng Kamara.

"The marginalized sectors deserve to be genuinely represented to aid their concerns, not for their genuine needs to be bastardized by leeches who seek public office for private gain," wika pa ni Lazaro.

"We have had enough of our exploiters also being our rulers; it is high time to bring about a government that truly represents the masses."

Ilan sa mga naging kontrobersyal na party-lists noon, na nanalo pa nga sa eleksyon, ay ang Ang Galing Pinoy. Naging kinatawan pa nila sa Kamara ang anak ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na si Mikey Arroyo kahit na hindi naman siya  tricycle driver, security guards o magsasaka na nirerepresenta rapat ng grupo.

Ayon sa Supreme Court noong 2013, hindi na kailangan na maging representative ng "any marginalized and underrepresented’ sector" ang mga party-list group.

Sa kasalukuyan, hirap ang mga mahihirap at under-represented sectors na makipagsabayan sa mga kumakandidatong mas mapera't may makinarya pagdating sa mga distritong naglalaan ng posisyon sa Kamara.— James Relativo

2022 NATIONAL ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

PARTY-LIST

SPARK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with