^

Bansa

NDRRMC nagbabala sa nanghihingi ng donasyon

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
NDRRMC nagbabala sa nanghihingi ng donasyon
Fallen electric pylons block a road while a sign asking for food (L) is displayed along a road in Surigao City, Surigao del norte province, on Dec. 19, 2021, days after Super Typhoon Rai (Odette) devastated the city.

MANILA, Philippines — Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and ­Management Council (NDRRMC) sa publiko na huwag magpaloko sa mga nanghihingi ng  donasyon gamit ang pangalan ng ahensiya bunsod ng pananalasa ng  Bagyong  Odette.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal sa mga “in-kind donation” maaaring makipag-ugnayan sa Office of Civil Defense sa 0917-827-5743 at DSWD sa 0927-436-1039.

“Kayo po ang tatawag sa amin, hindi po kami tatawag kasi marami pong nagpapakilala na sila raw po ay nanghihingi ng donasyon. Umiiwas po tayo sa mga scam na iyan,” ani Timbal.

Sinabi ni Timbal na bukas din sila sa cash donations subalit direkta itong idedeposito sa mga bangko at hindi sa NDRRMC.

Sa ngayon aniya, prayoridad na kailangan ng mga nasalanta ni Odette ang pagkain, tubig, construction materials at hygiene items.

vuukle comment

NDRMMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with