EO na nagtatakda ng price cap sa mas maraming gamot, pirmado na ni Duterte
MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Executive Order (EO) na naglalayong lagyan ng maximum retail price (MRP) ang mas marami pang gamot sa bansa.
Sa EO No. 155, nais ni Duterte na i-regulate ang presyo ng gamot sa pamamagitan ng pagpapatupad ng MRP at maximum wholesale price (MWP) sa nasa 34 na drug molecules at 71 drug formulas.
Kabilang sa lalagyan ng price cap ng mga gamot para sa bone metabolism, analgesics, anesthetics, anti-angina, antiarrhythmics, anti-asthma at chronic obstructive pulmonary disease medicines, antibiotics, anticoagulants, anticonvulsants, antidiabetic drugs, antidiuretics, at antiemetics.
Sakop din ng EO ang drug molecules at formulas para sa anti-glaucoma, anti-hypercholesterolemia medicines, antihypertensive medicines, anti-neoplastic/anti-cancer medicines, antiparkinsons drugs, gamot para sa overactive bladders, growth hormone inhibitors, immunosuppressant drugs, iron chelating agents, psoriasis, seborrhea at ichthyosis medicines.
Ang kalihim ng DOH ang inaatsan na magsagawa ng imbestigasyon sa mga irereklamong lalabag sa pagpapatupad ng MRP at MWP kung saan maaari siyang magpataw ng administrative fines na hindi bababa sa P50,000 pero hindi lalampas sa P5 milyon.
- Latest