^

Bansa

Pag-absuwelto kay Ongpin ‘meritorious act of justice’- Enrile

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pag-absuwelto kay Ongpin ‘meritorious act of justice’- Enrile
File photo shows Julian Ongpin.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patas ang naging pasiya ng isang huwes na ibasura ang reklamo kaugnay sa ilegal na droga na kinasangkutan ni Julian Roberto Ongpin, anak ni dating Trade minister Roberto Ongpin.

Batay ito sa naging pahayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile kasunod ng naging pagbasura ni Judge Romeo Agacita Jr. ng Regional Trial Court Branch 27, ng San Fernando City, La Union sa Section 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na inihain laban kay Ongpin.

Ani Enrile: ”Agacita meticulously “analyzed the case, step by step, according to existing and current precedents and jurisprudence, to arrive at his decision to dismiss the case against...Ongpin for lack of  probable cause to indict him for violation of Section 11 of Republic Act No. 9165.”

Inilarawan ni Enrile na “meritorious act of justice” ang naging desisyon ni Agacita.  Naging dahilan sa pagbasura ang ‘lack of probable cause’ para isyuhan ng warrant of arrest si Ongpin o noncompliance sa hinihingi ng Section 21 ng  RA 9165.”

Sa rekord ng kaso, Setyembre 18, 2021 nang maganap ang sinasabing suicide ng nobya ni Ongpin na si Breana Patricia Agunod o Bree Jonson sa loob ng Flotsam Jetsam Hostel, sa Barangay Urbiztondo, San Juan, La Union, kung saan nakuhanan umano ng mga awtoridad ng 18 sachets ng cocaine si Ongpin.

Gayunman, hindi umano markado ang nakuhang ebidensiya nang isagawa ang inventory at walang naging testigong barangay opisyal na malapit lamang sa pinangyarihan. Iniutos ni Agacita ang pag-alis sa hold departure order laban kay Ongpin.

vuukle comment

ONGPIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with