24 lugar Signal no. 1 sa bagyong 'Lannie'; ika-3 landfall posible sa Southern Leyte
MANILA, Philippines — Tinatayang muling sasalpok sa kalupaan ang isang bagyosa kalugaran ng Visayas habang umiiral ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) no. 1 sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Huling namataan ang mata ng Tropical Depression Lannie sa coastal waters ng Liloan, Southern Leyte bandang 7 a.m., ayon sa forecast ng PAGASA, Lunes.
- Lakas ng hangin: 45 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: aabot hsa 55 kilometro kada oras
- Direksyon: kanluran hilagangkanluran
- Bilis ng kilos: 15 kilometro kada oras
"Today through tomorrow morning, moderate to heavy with at times intense rains are likely over Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, CALABARZON, and Caraga Region," wika ng PAGASA sa isang pahayag kanina.
"Light to moderate with at times heavy rains are also possible over Metro Manila, Bulacan, Bataan, and the rest of Mindanao."
Inaantay na lang ang pag-landfall ng nasabing sama ng panahon sa Southern Leyte. Una nang sumalpok sa mga sumusunod ang bagyong "Lannie":
- Bucas Grande Island, Socorro, Surigao del Norte (4:30 a.m.)
- Cagdianao, Dinagat Islands (5:00 a.m.)
Kaugnay ng naturang sama ng panahon, itinaaas na ang sumusunod na TCWS sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 1
- katimugang bahagi ng Masbate (Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Dimasalang, Uson, Mobo, Milagros, Mandaon, Esperanza, Placer, Cawayan, Balud)
- katimugang bahagi ng Romblon (Cajidiocan, San Fernando, Magdiwang, Santa Maria, Odiongan, Alcantara, Ferrol, Looc, Santa Fe, San Jose)
- katimugang bahagi ng Oriental Mindoro (Roxas, Mansalay, Bulalacao, Bongabong)
- katimugang bahagi ng Occidental Mindoro (Sablayan, Calintaan, Rizal, San Jose, Magsaysay)
- hilagang bahagi ng Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli) kasama ang Calamian at Cuyo
- Eastern Samar
- Samar
- Biliran
- Leyte
- Southern Leyte
- Capiz
- Aklan
- Antique
- Iloilo
- Guimaras
- Negros Occidental
- hilaga at gitnang bahagi ng Negros Oriental (Bais City, Mabinay, City of Bayawan, Basay, City of Tanjay, Manjuyod, Bindoy, Ayungon, Tayasan, Jimalalud, La Libertad, City of Guihulngan, Vallehermoso, Canlaon City)
- Cebu
- Bohol
- Surigao del Norte
- Dinagat Islands
- hilagang bahagi ng Agusan del Norte (Magallanes, Remedios T. Romualdez, City of Cabadbaran, Tubay, Santiago, Jabonga, Kitcharao, Butuan City)
- hilagang bahagi ng Agusan del Sur (Sibagat, City of Bayugan, Prosperidad)
- hilagang bahagi ng Surigao del Sur (San Miguel, Marihatag, San Agustin, Cagwait, Bayabas, Tago, City of Tandag, Cortes, Lanuza, Carmen, Madrid, Cantilan, Carrascal, Lianga)
"On the forecast track, the tropical depression will move generally west northwestward over the Visayas archipelago until tonight or tomorrow early morning, when it is expected to emerge over the Sulu Sea and cross the Cuyo archipelago," patuloy ng state weather bureau.
"Afterwards, the depression may make another landfall in the vicinity of northern Palawan or Calamian Islands tomorrow morning before emerging over the West Philippine Sea a couple of hours later."
Tinatayang ytropical depression category lang ang bagyong "Lannie" sa buong forecast period at maaaring lumakas pagdating sa Sulu Sea West Philippine Sea.
Maaaring lumabas ang bagyo sa sa Philippine area of responsibility ngayong Huwebes.
- Latest