^

Bansa

Pacquiao pormal nang kandidato sa pagkapangulo; Atienza kanyang VP

James Relativo - Philstar.com
Pacquiao pormal nang kandidato sa pagkapangulo; Atienza kanyang VP
Kuha kina Sen. Manny Pacquiao (kanan) at Buhay party-list Rep. Lito Atienza (kaliwa) matapos nilang maghain ng certificates of candidacy (COC) sa Comelec, ika-1 ng Oktubre, 2021
The STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines (Updated 10:06 p.m.) — Opisyal nang kandidato sa pagkapangulo sa 2022 ang "Pambansang Kamao" kasabay ng unang araw ng filing ng certificate of candidacy (COC).

Kasamang inihain ni Pacquiao ang kanyang COC sa pagkapresidente, Biyernes, sa Commission on Elections kasama ang misis na si Jinkee at running mate sa pagkabise presidente na si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza.

"Ang akin pong pagtakbo ay hindi lang po sa aking sarili o sa aking pamilya kundi para sa sambayanang Pilipino, para po mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating mga kababayan," wika ng boxer-turned-politician.

"Kailangan po nating tuldukan ang sitwasayon ng kanilang [mahirap] na pamumuhay, especially 'yung economiya natin para palaguin. Una nating resolbahin ang pandemya [ng COVID-19]."

"Ang mga nagnanakaw sa sambayanang Pilipino, bilang na po ang inyong maligayang araw sa inyong pagsasamantala diyan sa gobyerno. Dahil kapag ako po ay inilagay ng Panginoon diyan... magsasama-sama sila sa kulungan nang mabigyan ng hustisya ang ating mga kababayan."

Una nang inendorso ng Pacquiao-Sen. Koko Pimentel wing ng PDP-Laban si Pacman bilang kanilang standard bearer sa susunod na taon, kahit na magfi-field ng sariling kandidato ang isa pang paksyon ng partido sa ilalim ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

"Mga kababayan, ikinararangal ko pong samahan ang susunod na pangulo ng bansa. Naniniwala po ako na si Manny Pacquiao ang tanging maaaring makapagbago sa pamumuhay ng mga Pilipino," wika ni Atienza sa kanyang talumpati.

"Kung papaano niya binago ang kalagayan niya sa kahirapan, magagawa niyang baguhin ang kalagayan natin... Nakita ko ang kanyang paghihirap, 'yung kanyang determinasyon, tapang, pagpupunyagi, pinakamagaling na boksingero sa kasaysayan ng tao."

Dagdag pa ni Atienza, dating alkalde ng Lungsod ng Maynila, yakang-yaka ni Manny hawiin ang daan upang itanghal na "kampeon" ang Pilipinas.

Nauna nang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kandidatura sa ilalim ng paksyon nina Cusi sa pagkabise presidente. Gayunpaman, hindi pa siya naghahain ng kanyang COC.

Nakatakda pang magdesisyon ang Comelec pagdating sa kung sino ang lehitimong mga kandidato't slate ng PDP-Laban. Matatandaang sinabi ng kampo ni Pacquiao na handa siyang tumakbong independent kung hindi mapapaboran ng poll body.

vuukle comment

2022 NATIONAL ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

LITO ATIENZA

MANNY PACQUIAO

PDP-LABAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with