^

Bansa

Mago sinubpoena na ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinubpoena na kahapon ng Kamara si Pharmally Executive Krizle Grace Mago matapos nitong aminin sa Senado ang umano’y ‘tampering’ ng expiration dates sa mga face shield na binili ng pamahalaan sa kanilang kumpanya.

Si Mago ay hindi na umano makontak matapos ang ‘expose’ nito sa Senate Blue Ribbon Committee.

Ang subpoena ad testificandum laban kay Mago ay para mapilitang humarap sa susunod na pagdinig ng Kamara sa Oktubre 4 ang Pharmally official sa pamamagitan ng zoom.

Samantala pormal nang lumiham kahapon ang House panel kay Sen. Richard Gordon para hilingin na payagang humarap sa pagdinig si Pharmally Director Linconn Ong.

Si Ong ay nasa ilalim ng kustodiya ng Senado matapos ma-contempt dahil sa pag-iwas nito na sagutin ang mga katanungan ng mga Senador kaugnay sa kontro­bersyal na pagbili ng pamahalaan sa Pharmally ng mga medical supplies.

KRIZLE GRACE MAGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with