Duterte hindi mailabas 2018-2020 SALN kasi 'nirerespeto niya Ombudsman' — Malacañang
MANILA, Philippines — Muling ng Palasyo ang non-release ng mga Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakalipas na tatlong taon sa publiko, bagay na hinihingi ngayon ng ilang opisyal para mapatunayan ng presidente ang anti-corruption drive.
Una na kasing sinabi ni Duterte na siya na ang mag-o-audit ng binabatikos niyang Commission on Audit matapos nitong i-flag ang Department of Health atbp. ahensya ng gobyerno sa "maanomalyang" paggamit ng kaban ng bayan.
Pero hamon ni Bise Presidente Leni Robredo at ng ACT Teachers party-list, isapubliko muna ni Digong ang kanyang SALN mula 2018 hanggang 2020 para mapatunayang hindi siya tiwali sa ngalan ng transparency.
"Well, he could [unilaterally show his SALN], but he respects the Ombudsman and he leaves it to the Ombudsman [to release it]," wika ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang media briefing, Miyerkules.
"Because there's new policy being implemented by the Ombudsman as a constitutional body, and we respect the prerogative of the Ombudsman in this regard."
Tinutukoy ni Roque ang memorandum circular ng Ombudsman noong 2020, na naglilimita sa public access ng SALNs ng presidente, bise presidente at iba pang mga government officials.
.@OmbudsmanPh restricts public access to SALN of President, Vice President and other gov't officials. Under the Ombudsman's new memo, the release of SALN will be limited to the SALN declarant, to court in relation to pending cases and to ombudsman investigators. | @marcelo_beth pic.twitter.com/IgYGjV35SZ
— Philstar.com (@PhilstarNews) September 15, 2020
Ang SALN, na hinihingi sa mga opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng Article XI Section 17 ng 1987 Constitution at Republic Act 6713, ay magpapakita sa kabuuan ng ari-arian, utang, atbp. ng nabanggit. Minsan itong nagagamit para sa mga imbestigasyon hinggil sa korapsyon.
May FOI EO, pero SALN 'di makita
Nangyayari ang pag-iipit ng mga SALN mula sa mata ng publiko kahit na nilagdaan ni Digong ang isang "freedom of information" (FOI) executive order noong 2016, bagay na sumasaklaw sa lahat ng tanggapan ng ehekutibo.
Una nang sinabi ni Roque na hahayaan nila ang Ombudsman na maglabas ng kopya ng SALN ni Duterte, lalo na't sila ang independent constitutional body pagdating dito.
Matagal nang inirereklamo ng media ang hindi paglalabas ng SALN ng pangulo kahit ilang beses na itong inire-request sa pamamagitan ng FOI.
Sa kabila nito, nakapaglabas naman si Robredo ng kanyang SALN nitong Hulyo sa pamamagitan ng FOI request sa kanyang tanggapan. Para raw kasi ito sa interes ng transparency.
"There are so many other ways to show that you're anti-corruption. [What about Duterte's] SALN? That's one of the biggest ways to really show that there is no corruption," ani Robredo nitong Linggo.
"The COA audit reports of offices are assessments to show that our offices are not involved in corruption."
Nangyayari ang problema sa paglalabas ng SALN ng pangulo walong buwan bago ang 2022 elections sa Mayo. Una nang kinumpirma ni Duterte na tatakbo siya sa pagkabise presidente next year habang usap-usapang tatakbo sa panguluhan si Robredo.
- Latest
- Trending