Nagpapakalat ng ‘fake news’ sa bakuna, kakalusin – PNP
MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar ang fake news na naging dahilan ng pagdagsa ng mga tao sa vaccination sites noong Huwebes.
“Nagbigay na ako ng direktiba partikular sa Anti-Cybercrime Group para magsagawa ng malalimang imbestigasyon. Tingnan natin kung meron ba talagang nag-iinstigate ng ganyang mga pananabotahe dahil ‘yan po talaga ang nakakasira sa ating programa,” ani Eleazar.
Kamakailan, dinagsa ang ilang vaccination sites sa Kamaynilaan matapos kumalat na hindi palalabasin ang hindi bakunado sa Manila at Las Piñas.
“Kaya ang direktiba natin sa ating mga chief of police, makipag-coordinate closely with LGU, alamin kung ano ang programa, at gumawa ng plano,” dagdag ni Eleazar.
Hinimok din ng PNP chief ang publiko na huwag maniwala sa hindi beripikadong impormasyon.
Apela ni Eleazar sa publiko, huwag magpadala sa kung anu-anong mga tsismis.
- Latest