Gyms, indoor sports centers humingi ng konsiderasyon ngayong ipasasara na naman
MANILA, Philippines — Dismayado ang mga gym at sports center employees at operators sa muli nilang pagsasara, ilang linggo matapos silang payagang magbukas nito lamang Hulyo 2.
Ito’y matapos isailalim na naman ang Metro Manila at ilang probinsiya sa “General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions ngayong darating na Agosto 1-15.
Dahil dito, humingi ng tulong ang Philippine Fitness Alliance na binubuo ng pinakamalalaking fitness brands sa bansa gaya ng Surge Fitness Lifestyle, Gold’s Gym, Fitness First, Anytime Fitness, Evolution Wellness Philippines, Cele-brity Fitness, UFC Gym and Slimmers World kay Ang Probinsyano Party List (APPL) Rep. Alfred Delos Santos, kung saan napansin ng kongresista na hindi tama ang classification ng fitness centers.
Sa programang “Basta Promdi, Lodi” sa radyo nina Rep. Delos Santos at Ces Orena-Drilon kahapon, naitanong kay Dr. Teodoro Herbosa, Special Adviser for National Task Force on Covid-19 na kung lahat ng gym employees ay fully vaccinated, hindi ba dapat na payagan silang mag-operate?
Kaya’t mungkahi nito sa Philippine Fitness Al-liance na umapela sa DTI upang matignan ang safety measures na kailangang isagawa para payagan magbukas ng kanilang gym.
Naniniwala si Rep. Delos Santos na wala itong nakikitang dahilan para isara ang gyms at indoor sports centers sa ilalim ng GCQ with heightened restrictions at hindi rin tama na ang mga ito ay i-classify bilang recreational establishment.
Hiling nila na i-reclassify ang mga gyms at sports center sa ilalim ng “Personal Care Services” imbes na sa “Recreational Establishments”.
Sabi ni delos Santos, kung kahilera sila ng mga barbershops, beauty salons, aesthetic centers, massage & wellness centers, makakapag-operate sila sa 30% capacity sa kasalukuyang quarantine rules.
Kung tutuusin, ang mga nabanggit na establishments ay pinapayagang magbukas, kahit na mas may direct physical contact ang mga ito sa mga clients kumpara sa gyms at sports centers.
- Latest