^

Bansa

Turista sa resorts hihingan ng RT-PCR tests

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Cebu, Philippines — Pinayuhan kahapon ni Tourism Secretary Berna Romulo Puyat ang mga may-ari ng resorts at iba pang destinasyon na hingiin bilang ‘requirements’ sa kanilang mga kustomer ang negatibong RT-PCR COVID-19 test upang matiyak ang kaligtasan laban sa virus.

Sinabi ni Puyat na nakatanggap sila ng ulat na ilang mga resorts ay naghahanap lang ng ne­gatibong antigen tests sa kanilang mga kustomer.

Ngunit sinabi ng kalihim na ang problema sa antigen tests ay maraming ‘false negative’ na resulta na dahilan para magkumpiyansa ang isang indibiduwal.

Itinutulak din ni Puyat na magkaroon ng mas murang RT-PCR tests para sa mga turista lalo na ang mga pami-pamilya para buhayin ang industriya ng turismo.

Samantala, ibinibigay na ni Puyat sa mga pinuno ng lokal na pamahalaan ang pagdedesisyon kung hihingan pa ng RT-PCR test ang isang indibiduwal na ‘fully-vaccinated’ na. 

BERNA ROMULO PUYAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with