^

Bansa

'Fastest in Philippine history': 1-M COVID-19 vaccine doses naiturok in 4 days

Philstar.com
'Fastest in Philippine history': 1-M COVID-19 vaccine doses naiturok in 4 days
The Moderna vaccination rollout starts at the FilOil Flying V center in San Juan City on June 30, 2021.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng panibagong achievement ang Pilipinas pagdating sa pagbabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), matapos umabot ng milyong vaccinations sa loob lamang ng apat na araw.

"Nakapag-jab po tayo ng 1 milyong doses from Monday, June 28, hanggang kahapon, Thursday, July 1," ani National Task Force Against Covid19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon, Biyernes sa Laging Handa briefing.

"Ito po ang pinakamabilis na na-jab natin simula nang tayo'y nag-launch ng vaccination program noong Marso."

Dahil diyan, umabot na sa 11 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naa-administer sa Pilipinas sa ngayon.

Lagpas na sa 250,000 araw-araw ang average na nababakunahan laban sa nakamamatay na virus sa ngayon. Target ngayon ng pamahalaan na maiangat pa ito sa 500,000.

"Medyo gipit pa nga tayo sa supply [ng bakuna] noong nakaraang linggo. At ngayong linggong ito ay nakapag-jab pa tayo nang napakarami nitong nakaraang apat na araw," dagdag pa niya.

Kampante pa rin naman si Dizon na maaabot pa rin ang "population protection" bago magtapos ang 2021 basta't dumating ang sapat na suplay ng mga bakuna, lalo na't paparating ang malaking bulto nito ngayong Hulyo.

Inaasahan ng gobyerno na darating ngayong buwan ang sumusunod na doses ng COVID-19 vaccines:

  • Sinovac (3 milyon)
  • Sputnik V (4 milyon)
  • Moderna (1 milyon)
  • Novavax (2 milyon)
  • Johnson & Johnson (1.5 milyon)
  • AstraZeneca (2 milyon)

'Pinas kamusta kapag kinumpara sa ibang bansa?

Malayo-layo pa ang Pilipinas pagdating sa average daily COVID-19 vaccinations na ginagawa ng ibang Asyanong bansa sa isang araw.

Sa bansang India, 2.02 milyong COVID-19 vaccine doses ang itinuturok nila araw-araw kung ia-average ito simula Enero-Hunyo 2021.

Noong Marso, nasa 340,000 doses kada araw ang naituturok para sa mga residente ng Indonesia. At ngayong Hulyo na, maaaring mas malaki pa ang mga bilang.

Gayunpaman, halos 1.4 bilyon naman kasi ang populasyon ng India. Mahigit-kumulang doble naman ng populasyon ng Pilipinas ang Indonesia.

Mas maganda-ganda ang datos ng Pilipinas kumpara sa Malaysia, na nakakapagturok ng 218,455 araw-araw batay sa kanilang seven-day moving average noong Miyerkules.

Ang Vietnam, na malapit-lapit ang populasyon sa Pilipinas, nasa halos 3.8 milyong doses pa lang ang naibibigay — wala pang 2% ng kanilang populasyon. — James Relativo

COVID-19 VACCINES

NOVEL CORONAVIRUS

VINCE DIZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with