15% IRA ng LGUs sa health services isinulong ni Tan
MANILA, Philippines — Itinutulak ni Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan, Chairperson ng Committee on Health ang pagsasabatas ng House Bill 9204 o “Lokal na Pamahalaan Kabalikatan sa Pag-Abot ng Kalusugang Pangkalahatan Act”.
Sinabi ni Tan sa kanyang pag-i-sponsor sa nabanggit batas na, ito ay nagtataglay ng mga probisyon na lubhang mahalaga para sa kalidad, madaling makamit at napapanahong serbisyong pangkalusugan lalo na sa gitna ng nagaganap na COVID-19 pandemic.
Layuning amyendahan ng House Bill 9204 ang Section 287 ng Local Government Code (LGC) of 1991 upang matiyak ang paglalaan ng 15% ng IRA para sa health services sa lahat ng LGUs at inaasahan din ang kanilang gagawing pagkilos bilang paghahanda sa mas malaking papel at responsibilidad sa pagkakaloob ng serbisyong medikal.
- Latest