NTF-ELCAC ikinatuwa ang suporta ng PDP-Laban vs terorismo
MANILA, Philippines —Ikinagalak ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang suporta ng partidong PDP-Laban sa NTF-ELCAC upang tuluyang wakasan ang 53 taong panggugulo ng mga komunistang-terorista sa bansa.
Ayon kay Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya, taga-pagsalita din NTF-ELCAC sa local government concerns, malaking tulong ang inilabas na resolusyon ng PDP-Laban na panatilihin at dagdagan ang pondo ng Barangay Development Program (BDP) ng task force.
Nasaksihan mismo ni Malaya ang pagpasa ng resolusyon ng partido sa ginanap na PDP-Laban National Council sa Cebu noong Lunes na isinulong ni Eastern Samar Governor Ben Evardone upang ibigay ng partido ang todo-suporta nito sa P16.4 bilyong pondo ng BDP na nais ipabuwag ng mga kritiko at ibang mga pulitiko.
Para kay National Security Adviser at NTF ELCAC Vice Chairman Hermogenes Esperon Jr. maituturing na “very positive development” ang dagsa ng mga suporta na nangangahulugan na ramdam at ikinatuwa na rin ito ng mga Filipino.
- Latest




















