^

Bansa

Biyaheng Ortigas-Makati 'kaya ng 5 minuto' sa bagong itinatayong kalsada — DPWH

Philstar.com
Biyaheng Ortigas-Makati 'kaya ng 5 minuto' sa bagong itinatayong kalsada — DPWH
Kitang iniinspeksyon ng mga opisyales ng DPWH ang konstruksyon ng Bonifacio Global City-Ortigas Road Link sa litratong ito, Marso, 2021
Released/Department of Public Works and Highways

MANILA, Philippines — Anong mararamdaman mo kung kakayaning bumiyahe mula Pasig, Makati at Taguig nang hindi inaabot ng siyam-siyam sa daan? 'Yan ang ambisyosong plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bubuksang kalsada tatlong linggo mula ngayon.

Tinutukoy ni DPWH Secretary Mark Villar ang P1.6 bilyong BGC-Ortigas Road Link, bagay na target buksan ang main span sa "Araw ng Kalayaan," ika-12 ng Hunyo.

"Kung 'yung biyahe dati pwedeng umabot ng isang oras, baka mga five minutes na lang from Ortigas to Makati and Taguig," ani Villar sa panayam ng ANC, Miyerkules.

"That's one of our major flagship projects and it's a major component of the EDSA decongestion plan."

 

 

Pebrero 2020 nang ipangako ni Villar na kayang mapababa ng nasabing proyekto ang travel time mula Bonifaio Global City hanggang Ortigas Central Business District patungong 11-minuto.

Pagbabahagi niya, kaya nitong mapaluwag ng 20-25% ang sikip ng trapiko sa EDSA, na isa sa pinaka-busy na highway sa Pilipinas.

Batay din sa pagkwekwenta ng DPWH, dinisenyo rin ito para mapuwag ang C-5 Road nang hanggang 10%.

"And it will be connecting two major business centers, that being Ortigas and also Bonifacio Global City. It's really connecting two cities, connecting two major centers."

Kasama sa nasabing proyekto ang pagtatayo ng four-lane Sta. Monica-Lawton Bridge sa Ilog Pasig, bagay na kokonekta sa Lawton Avenue sa Makati at Sta. Monica Street. 

Bukod pa riyan, kasama rito ang rehabiliation at pagpapaluwag ng Brixton patungong Fairlane street sa Lungsod ng Pasig.

Matatandaang sinimulan ang 1.367 kilometrong proyekto noong Hulyo 2017 at unang tinayang makukumpleto noong Marso 2020. Gayunpaman, hindi ito natupad matapos mangyari ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Marso nang sabihin ng kagawaran na makukumpleto ito nang buong-buo pagsapit ng Setyembre 2021.

Matupad kaya ng DPWH ang pangako nitong pagpapagaan sa trapiko? Abangan simula Hunyo. — James Relativo

BONIFACIO GLOBAL CITY

C5

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

EDSA

MAKATI

MARK VILLAR

ORTIGAS

PASIG

TAGUIG

TRAFFIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with