^

Bansa

Ika-13 ng Mayo 'walang pasok' sa pagdiriwang ng Eid'l Fitr — Duterte

Philstar.com
Ika-13 ng Mayo 'walang pasok' sa pagdiriwang ng Eid'l Fitr — Duterte
Worshippers maintain physical distancing as they take part in a morning prayer to celebrate Eid’l Fitr at the Mohammed al-Amin Mosque in Beirut, Lebanon
AFP, File

MANILA, Philippines — Walang pasok sa buong Pilipinas kaugnay ng paggunita ng isang Islamic holiday tatlong araw mula ngayon, ayon sa pahayag ng Malacañang.

Dahil sa Proclamation 1142 na nilagdaan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Executive Secretary Salvador Medialdea, "regular holiday" ngayong Huwebes kaugnay ng pagdiriwang ng Eid'l Fitr.

Tatlong araw ipinagdiriwang ang Eid'l Fitr taun-taon matapos ang isang buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim.

"[T]he entire Filipino nation should have the full opportunity to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid'l Fitr, subject to community quarantine, social distancing, and other public health measures," ayon kay Duterte sa isang pahayag.

"NOW, THEREFORE, I, RODRIGO ROA DUTERTE, President of the Philippines, by virtue of the pwoers vested in me by law, do hereby declare Thursday, 13 May 2021, a regular holiday throughbout the country in observance of Eid'l Fitr (Feast of Ramadhan)."

'Di tulad ng maraming ng regular holiday, paiba-iba ang petsa ng nasabing araw.

Ayon sa Bureau of Working Conditions-Department of Labor and Employment (BWC-DOLE), kailangang bayaran ng regular na sahod ang mga manggagawa kahit na hindi sila pumasok sa araw ng regular holiday.

"For work performed on a regular holiday, [a worker shall recieve] plus 100% or a total of 200% of the employee’s daily wage rate (Basic pay + COLA)," ayon sa BWC-DOLE. —  James Relativo at may mga ulat mula sa News5

EID'L FITR

ISLAM

MUSLIM

REGULAR HOLIDAY

RODRIGO DUTERTE

WALANG PASOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with