Libong Aetas sa Porac, Pampanga inayudahan ni Bong Go
MANILA, Philippines — Kaugnay ng pangako niyang walang maiiwan sa pagbangon mula sa pandemya, inayudahan ng tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go ang Aeta community sa Porac, Pampanga.
Iginiit ni Go ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na ibigay ang lahat ng posibleng tulong sa mga mahihirap at poor vulnerable sectors sa gitna ng hamon ng COVID-19.
“As the President said, ‘no Filipino must be left behind towards recovery’. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya para mapagaan ang pinapasang hirap ng ating mga kababayan,” ayon kay Go.
Isinagawa sa pamamagitan ng batches at istriktong nasusunod ang health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, namahagi ang mga tauhan ni Go ng mga pagkain, bitamina, masks at face shields sa may 2,622 Aetas sa magkahiwalay na distribution activities sa Villa Maria Covered Court, Brgy. Sapang Uwak Community, Porac Municipal Hall, Katutubo Village Planas at sa Rotary Club Camias.
“Kung kailangan niyo po ng tulong sa pagpapagamot, mayroon na tayong 102 na Malasakit Center sa buong Pilipinas. Batas na po ‘yan, isinulong ko noon,” ayon kay Go.
Ang Malasakit Center ay one-stop shop kung saan ay kombinyenteng makakukuha ang mahihirap at indigent patients ng medical assistance mula sa DOH, DSWD, PhilHealth at PCSO.
“Kami po ni Pangulong Duterte, patuloy kaming magseserbisyo sa inyong lahat dahil para sa amin ang serbisyo sa tao ay serbisyo po ‘yan sa Diyos. Maraming salamat, mahal namin kayo,” anang senador.
- Latest