^

Bansa

Typhoon Bising 'severe tropical storm na lang sa Sabado' — PAGASA

James Relativo - Philstar.com
Typhoon Bising 'severe tropical storm na lang sa Sabado' — PAGASA
Kitang itinatayo ng mga volunteers na ito ang isang istruktura habang umiihip nang malakas ang hangin sanhi ng Typhoon Bising
Released/San Policarpio Firestation

MANILA, Philippines — Napanatili ng Typhoon Bising ang lakas nito ngunit tinatayang tuluy-tuloy nang hihina sa mga susunod na araw hanggang sa maging ganap na severe tropical storm sa susunod na apat na araw.

Bandang 10 a.m. nang mamataan ng state weather bureau ang sentro ng bagyo sa layong 475 kilometro mula sa silangan ng Infanta, Quezon.

"'BISING' is forecast to gradually weaken throughout the forecast period and may be downgraded to severe tropical storm by Saturday evening or Sunday early morning," wika ng PAGASA sa kanyang 11 a.m. bulletin.

  • Lakas ng hangin: Maximum sustained wins na 175 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso: aabot sa 215 kilometro kada oras
  • Direksyon: hilaga hilagang kanluran
  • Bilis: "mabagal" na pagkilos

Signal no. 2 nakataas pa rin

Sa kabila ng developments na ito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa ilang lugar ng bansa kaugnay ng bagyo.

Signal no. 2:

Luzon

  • silangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri)
  • silangang bahagi ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Ilagan, Palanan)
  • Catanduanes

"A tropical cyclone will affect the [abovementioned] locality. Winds of greater than 61 km/h and up to 120 km/h may be expected in at least 24 hours," paliwanag ng PAGASA.

Posible pa rin daw ang "light to moderate damage" sa ilang high-risk structures at "very light to light damage" sa mga medium-risk structures dahil dito.

Signal no. 1:

Luzon

  • Batanes
  • nalalabing bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands
  • nalalabing bahagi ng Isabela
  • Quirino
  • Apayao
  • silangang bahagi ng Kalinga (Pinukpuk, Rizal, Tabuk City)
  • silangang bahagi ng Mountain Province (Paracelis,Natonin)
  • silangang bahagi ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista)
  • hilagang bahagi ng Aurora (Baler, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran, Dilasag)
  • silangang bahagi ng Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan) kasama ang Polillo Islands
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Albay
  • Sorsogon

Visayas

  • Northern Samar
  • hilagang bahagi ngh Samar (Matuguinao)
  • nalalabing bahagi ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, San Policarpo, Oras)

Tinatayang makatitikim ng mga hanging nasa 30-60 kilometro kada oras ang mga nasabing lugar kasama ang panaka-nakang pag-ulan sa susunod na 36 oras.

2 patay dahil sa bagyo

Dalawa na ang naitatalang patay kaugnay ng nasabing bagyo, ayon sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw.

"Two (2) persons were reported dead in Regions VII and VIII. One injured person in Region VII and one missing person in Region VIII," ayon sa NDRRMC.

Ayaw pa namang ilabas ng ahensya ang pagkikilanlan ng mga namatay lalo na't inaantay pa nila ang kumpletong validation ng ulat.

  • Nasa evacuation centers: 50,620 katao
  • Evacuation centers: 253 temporary shelters
  • Lumikas sa mga kamag-anak/kaibigan: 28,704 katao
  • Apektado ng bagyo: 50,523 katao
  • Apektadong lugar: 233 baranggay sa Region V at VIII

BISING

NDRRMC

PAGASA

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with