^

Bansa

'A4 priority list' baka maturukan vs COVID-19 sa Mayo, Hunyo — NEDA

James Relativo - Philstar.com
'A4 priority list' baka maturukan vs COVID-19 sa Mayo, Hunyo — NEDA
Inihahanda ng healthcare worker na ito ang isang dose ng AstraZeneca COVID-19 vaccine bago iturok sa iba pang manggagawang pangkalusugan sa Lungsod ng Quezon, ika-22 ng Marso, 2021
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sa pagtataya ng National Economic and Development Authority (NEDA), posibleng abutin ng isa hanggang dalawang buwan pa ang dapat antayin ng mga nasa A4 priority list bago maturukan laban sa coronavirus diseease (COVID-19).

Ang balitang 'yan ang binanggit ni NEDA Undersecretary Rose Edillon, Lunes, habang tinatalakay ang mga sektor na masasama sa A4 priority list — o yaong mga sunod na babakunahan matapos ang healthcare workers, senior citizens at may comorbidities.

"Hindi pa kasi ganoon ka-definite 'yung pagdaming ng supply of the vaccine. But I think the best case scenario is we can start in May," ani Edillon sa media forum ng Department of Health (DOH) kanina.

"Pero we can actually slide to June. And I think, of course, there's that first and second dose, so it can be June, July, August."

Marso nang sabihin ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na Abril matuturukan ng COVID-19 vaccine ang "general public," kasama ang mga vulnerable at mahihirap na komunidad. Hindi pa 'yon nasusunod.

Sa huling ulat ng DOH nitong Linggo, umabot na sa 864,868 ang tinatamaan ng COVID-19. Patay na ang 14,945 sa bilang na 'yan.

A4 priority? Sino 'yun?

Ani Edillon, tumutukoy ngayon ang A4 priority sa mga "economic sectors" na madalas makisalamuha sa publiko. Kadalasan, ito raw ang mga sektor na kailangan para matiyak ang "seguridad, consumer at worker safety at mga nagtratrabaho sa priority government projects."

Kasama sa naturang priority list ang sumusunod:

  • A4.1: Nasa commuter transport (lupa, himpapawid at karagatan), kasama ang logistics 
  • A4.2: Frontline government workers sa justice, security at social protection sectors
  • A4.3: Tindero't tindera sa mga palengke; nagtratrabaho sa grocery, supermarket; nasa delivery services 
  • A4.4: Manggagawa sa pagmamanupaktura ng pagkain, inumin, gamot at pharmaceutical products
  • A4.5: Manggagawa sa food retail, kasama ang food service delivery 
  • A4.6: Frontline workers ng gobyerno
  • A4.7: Frontlines workers mula sa serbisyong pinansyal
  • A4.8: Guro at iba pang kahalintulad na kawani sa medical at allied medical courses ng mga kolehiyo/unibersidad, kasama ang mga personnel na nag-aasikaso ng laboratoryo
  • A4.9: Frontline workers sa hotels and accomodation 
  • A4.10: Mga pari, pastor at iba pang lider relihiyoso ng iba't ibang paniniwala 
  • A4.11: Construction workers sa mga proyektong pang-imprastruktura ng gobyerno 
  • A4.12: Gwardya/kawani na nakatalaga sa mga establisyamento, opisina, ahensya at mga organisasyon na tinukoy ng pamahalaan 
  • A4.13: Overseas Filipino workers na wala sa ibabaw at yaong mga itatalaga sa ibayong dagat sa darating na dalawang buwan

Update sa mga bakunado

Umabot na sa 1.13 milyon na ang natuturukan ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas ayon sa ulat ni presidential spokesperson Harry Roque ngayong araw.

Sa bilang na 'yan, narito ang nabigyan na ng una at ikalawang dose ng gamot:

  • 1,007,356 (first dose)
  • 132,288 (second dose)

"Importanteng achievement po ito dahil lumapas na tayo ng 1 milyon na nabakunahan," sabi ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang media briefing.

Si Roque ay positibo rin ngayon sa COVID-19 at sinasabing kasalukuyang naka-confine sa Philippine General Hospital (PGH).  — may mga ulat mula kay The STAR/Shiela Crisostomo

COVID-19 VACCINE

DEPARTMENT OF HEALTH

NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with