^

Bansa

Calbayog mayor kahit patay na, niratrat pa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Nakunan ng video, ayon sa solon

MANILA, Philippines — Nakunan pa ng vi-deo ang mga PNP ope­ratives na binalikan at niratrat muli ang patay ng alkalde ng Calbayog City, Samar matapos na tambangan noong Lunes.

“Mabuti na lamang at naglalabasan ang mga videos na ebidensyang magpapatunay na inam­bush si Calbayog City Mayor Ro-nald Aquino,” pahayag ni 1st District Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento.

Ginawa ni Sarmiento ang pahayag bilang reaksyon sa sinabi ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na shootout ang pangyayari at ang mga bodyguard ni Aquino ang unang nagpaputok.

Ayon kay Sarmiento, sadyang inaabangan na umano ng mga pulis na naka-bonnet at armado ng M203 sa pagdaan ng behikulo ni Aquino sa Laboyao Bridge, Brgy. Lonoy, Calbayog City bago pa ito ratratin bandang alas-5:30 ng hapon habang patungo ang opisyal sa birthday ng anak.

Bukod kay Mayor Aquino, napatay din sina P/Sr. Staff Sergeant Rodio Sario, security ng alkalde; Dennis Abayon, driver ni Mayor; P/Captain Joselito Tabada, hepe ng Gandara, Samar; P/Staff Sergeant Romeo Laoyon at Clint John Paul Yauder, sibilyang tinamaan sa crossfire. Sugatan si Staff Sgt. Neil Matarum Cebu.

Sa nasabing insidente ay nasawi rin ang dalawang pulis matapos na mapilitang gumanti ng putok ang mga bodyguard ni Mayor.

Sabi pa ni Sarmiento, ang mga pulis na rumat­rat sa alkalde ay nakatalaga sa Samar at dumayo lamang sa lugar.

Nitong Martes ay kinuwestiyon ni Sar­miento kung bakit naka-bonnet ang mga pulis at armado ng M203. Ang bonnet aniya ay ginagamit lamang ng mga kriminal.

vuukle comment

CALBAYOG CITY MAYOR RONALD AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with