^

Bansa

DOH: Planong MGCQ sa NCR tuloy 'kahit 2 COVID mutations nasa Central Visayas'

Philstar.com
DOH: Planong MGCQ sa NCR tuloy 'kahit 2 COVID mutations nasa Central Visayas'
Kahit may COVID-19 pandemic, nagtungo sa tapat ng isang simbahan sa Maynila ang isang siklista bilang paggunita sa "Ash Wednesday," ika-17 ng Pebrero, 2021
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Kahit na meron dalawang bagong mutations ng coronavirus disease (COVID-19) sa Kabisayaan, hindi ito nakikita ng Department of Health (DOH) bilang balakid sa pagtransisyon ng National Capital Region (NCR) sa pinakamaluwag na quarantine classification sa Marso.

Kinumpirma pa lang ng DOH nitong Huwebes ang dalawang magkaibang "mutations" ng COVID-19 na nakita sa Central Visayas, bagay na inaaral pa kung may public health implication.

"It will not affect [the possible modified general community quarantine transition] because NCR is a different region, but we have to be really careful as we further relax our community quarantine status," ani Health Secretary Francisco Duque III, Biyernes.

"[We need] massive promotion to let the public comply more effectively and faithfully to all our minimum public health standards."

Una nang inanunsyo ng DOH-Central Visayas nitong Huwebes na dalawang mutations ang nakita sa Cebu.

Sa 31 samples na nasuri sa Region 7, parehong natagpuan ang E484k at N501Y mutations sabi ng Kagawaran ng Kalusugan.

Hindi pa rin naman kinukumpirma nina Duque at Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung "homegrown" ang dalawang mutations.

Wala pang inilalabas na detalye sa pagkikilanlan ng 31 kataong 'yan na positibo sa dalawang COVID-19 mutations habang iniimbestigahan ito. Agad naman daw na magbibigay ng update ang gobyerno oras na maglabas ng balita ang DOH Region 7.

Pagsisikap ng health sector paiigtingin habang nagluluwag

Sabi pa ni Duque, patitindihin lang ng gobyerno ang agressive at early detection ng COVID-19 sa pamamagitan ng testing, contact tracing, aggressive isolation at gamutan sa mga ospital habang papalayo na sa kasalukuyang general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Kaugnay na balita: What is modified, enhanced, general quarantine? Here's how to tell the difference

"Habang alam natin na lumuluwag ang ekonomiya, mas lalo pa dapat mag-ingat ang ating mga kabababayan," saad pa ng kalihim.

"Sa ngayon, wala pa rin naman tayong bakunang dumating. Mya parating pero hindi pa naman malinaw sakto kailan."

Maliban sa dalawang mutations sa Central Visayas, matatandaang na-detect kamakailan ang mas nakahahawang "UK variant" ng COVID-19 sa iba't ibang parte ng Pilipinas.

Nangyayari ang lahat ng ito kasabay ng panawagan ng National Economic and Development Authority noong Lunes na ilagay na sa MGCQ ang buong Pilipinas sa susunod na buwan para makabawi ang ekonomiya sa pinsalang dulong ng mga lockdowns.

Sa huling tala ng DOH nitong Huwebes, umabot na sa 555,163 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 11,673 na ang patay. — James Relativo

COMMUNITY QUARANTINE

DEPARTMENT OF HEALTH

MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

MUTATION

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with