'Ayaw sumagot': Nakasabay ng Pinoy na may new COVID-19 variant inii-snob tawag ng DOH
MANILA, Philippines — Bagong sakit sa ulo ang kinakaharap ngayon ng Department of Health dahil maliban sa nakapasok na ang bagong coronavirus disease variant sa Pilipinas, hindi raw pinapansin ng ilang nakasabay ng positive patient ang kanilang mga tawag.
Miyerkules ng gabi ng kumpirmahin ng pamahalaan ang pagpasok ng United Kingdom variant sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang Pinoy na negosyanteng galing Dubai, na siyang naka-quarantine ngayon sa Quezon City.
Basahin: Philippines confirms first case of new COVID-19 variant
May kinalaman: Close contacts of patient with new COVID-19 variant traced, isolated — QC gov't
"Some passengers are rejecting our call. Sana po ay kausapin nila kami para... mabigyan namin sila ng guidelines on what they should," ani Health Undersecretary Maria Rosario Veregeire, Huwebes sa panayam ng Teleradyo.
"Nakipag-coordinate din kami sa local governments so pupuntahan din po kasi we have their addresses."
Ang UK variant ay sinasabing mas nakahahawa ng aabot sa 70% kumpara sa karaniwang COVID-19, ayon na rin sa Word Health Organization ngunit hindi pareho pa rin ang mode ng hawaan.
Ang 29-anyos na lalaki, na siyang sumakay sa Emirates Flight EK 332, ay nakitaan ng B.1.1.7. SARS-CoV-2 variant matapos magpositibo. Gayunpaman, negatibo ang kasama niyang babae.
Ang United Arab Emirates, na kanyang pinuntahan, ay hindi kasama sa 33 bansa't teritoryo na pinatawan ng travel restrictions ng gobyerno.
Inirerekomenda na sa ngayon ni Health Secretary Francisco Duque III sa listahan ng mga bansang nais sarhan dahil na rin sa pangyayaring ito.
Mga pasahero, nakontak at hindi makontak
Idinetalye ni Vergeire sa press briefing ng DOH ngayong umaga ang mga nakasalamuha ng nasabing Pinoy.
Sa 159 pasahero ng Emirates Flight EK 332 maliban sa kaso, 92 (58%) na ang kinontak at tanging 52 (64%) pa lang ang sumasagot.
"23 were seated in the four rows in front behind, or at side of case GF, 15 (65%) were contacted and 12 (80%) responded."
"Those who did not respond had unattended phones, number cannot be reached, wrong number, or rejected calls of contact tracers."
Sa 159 mga pasahero maliban sa unang kaso ng COVID-19 UK variant sa Pilipinas, 92 (58%) na ang kinontak at tanging 52 (64%) pa lang ang sumasagot sa tawag ng mga contact tracers. Hindi raw sumasagot sa tawag ang ilan sa kanila. @PilStarNgayon @PhilstarNews pic.twitter.com/d46sZkqusU
— James Relativo (@james_relativo) January 14, 2021
Pinatitindi naman daw ngayon ng DOH ang kanilang efforts para sabihan ang publiko pagdating sa mas nakahahawang COVID-19 variant.
Kasalukuyang may mild symptoms ang pasyente at minomonitor ng QC Health Department.
"At this time wala po kaming nakikitang dahilan para ilipat siya sa ibang quarantine or hospital, better na hindi na siya malipat-lipat, the better for us para ma-ensure nating wala nang transmission na mangyayari," Dr. Rolly Cruz, head ng QC Epidemiology and Surveillance Unit.
Umabot na sa 492,700 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling pag-uulat ng pamahalaan. Sa bilang na 'yan, 9,699 na ang patay.
- Latest