^

Bansa

‘Silent war’ namumuo sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May namumuo uma­nong ‘silent war’ sa Kamara sa pagitan mismo ng mga kaal­yado ni Speaker Lord Allan Jay Velasco na nag-ugat sa “bad joke’ at pikunan ng ilang mambabatas.

Ito’y matapos uma­nong mainsulto si Pre­sidential Son at Davao City Rep. Paolo Duterte sa pagkuwestiyon ni AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin sa pagkakatalaga sa kaniya bilang chairman ng House Committee on Accounts, isa sa makapangyarihang posisyon sa Kamara na may hurisdiksyon sa pondo.

Nanahimik naman ang liderato ng Kamara sa isyu pero sa isang viber message, sinabi ni Duterte na didistansya na ito sa House Majority dahil sa pagkuwestiyon sa kaniyang loyalty.

Nabatid na nagkaroon ng pagtitipon ang mga Velasco supporters sa Rizal Park Hotel noong Nobyembre 10 matapos ang oathtaking ni Velasco kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte. Sa gitna ng dinner ay nagbiro umano si Garin kay Duterte na “hindi ka naman bumoto kay Velasco pero nagkaroon ka ng puwesto”.?

Hindi nagustuhan ni Duterte ang ‘bad joke’ ni Garin hanggang sa nagkaroon ng komosyon kung saan si Maguindanao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu ang sinasabing isa sa umawat kina Garin at Duterte.

Matapos ang insidente ay isang viber message ang ipinadala ni Duterte sa viber group ng mga Kongresista pasado alas-2 ng madaling araw noong Nobyembre 11 na humihingi ng paumanhin sa nangyari.

“Maraming Salamat po sa opportunity, trabaho lang po walang personalan. Sorry to say but I have to distance myself na po pati sa ruling majority ng HOR, pinahiya at naquestion na po loyalty ko. Sa bunganga po ni Cong Mangudadatu at Congw Sharon Garin mababalitaan nyo po yan mamaya agad. So pinili ko na po to properly habang may mukha pa akong maharap sa inyo wait and see na lang po Monday,” nakasaad sa mensahe ni Duterte.

Matatandaan na ang batang Duterte ay nag-abstain o hindi bumoto nang magkaroon ng speakership row dahil parehas niyang malapit na kaibigan sina Velasco at dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Pero pumalag ang hindi nabigyan ng puwesto na bumoto kay Velasco tulad ni Garin na walang nakuhang posisyon.

 

LORD ALLAN JAY VELASCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with