^

Bansa

Tropical Storm Siony nagbabadya sa paglabas ng bagyong 'Rolly' sa kalupaan

Philstar.com
Tropical Storm Siony nagbabadya sa paglabas ng bagyong 'Rolly' sa kalupaan
Makikita sa litrato ang Tropical Storm Rolly at Tropical Storm Siony
Screengrab mula sa https://earth.nullschool.net/

MANILA, Philippines — Habang papahina na sa West Philippine Sea ang Tropical Storm Rolly, nagbabadya naman ang panganib ng isa pang bagyo sa kanlurang bahagi ng Pilipinas, Lunes.

Natagpuan ang bagyong "Siony" (Atsani) 850 kilometro silangan ng Hilagang Luzon bandang 4 a.m., at may dalang hangin na aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna.

May bugso itong aabot sa 80 kilometro kada oras habang kumikilos naman kanluran hilagakanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Samantala, patuloy naman ang paglayo ng bagyong "Rolly" mula sa landmass ng Pilipinas habang tinutumbok ang paglabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa direksyong kanluran hilagangkanluran.

"Ang layo ng sentro ng bagyong 'Rolly' ay nasa 100 kilometers west southwest ng Subic Bay sa Zambales," paliwanag ni Aldczar Aurelio, weather specialist ng PAGASA.

"Ang lakas ng hangin [nito] ay nasa 65 kilometers per hour samantalang ang pagbugso ng hangin ay nasa 80 kilometers per hour."

Dahil sa ikalawang bagyong nabanggit, tropical cyclone wind signal no. 1 pa rin sa:

  • hilagangkanlurang bahagi ng Occidental Mindoro (Paluan, Mamburao, Abra de Ilog) kasama ang Lubang Island
  • kanlurang bahagi ng Batangas (Tingloy, Mabini, Bauan, San Luis, Taal, Agoncillo, San Nicolas, Santa Teresita, Talisay, Laurel, Lemery, Calaca, Balayan, Calatagan, Tuy, Lian, Nasugbu)
  • dulong kanlurang bahagi ng Laguna (San Pedro City, Biñan City)
  • Cavite
  • Metro Manila
  • kanlurang bahagi ng Bulacan  (San Jose del Monte City, Santa Maria, Pandi, Bustos, Baliuag, Marilao, Meycauayan City, Obando, Bocaue, Bulacan, Balagtas, Guiguinto, Pulilan, Plaridel, Malolos City, Paombong, Hagonoy, Calumpit)
  • kanlurang bahagi ng Pampanga (San Luis, Mexico, Masantol, Sasmuan, Floridablanca, Lubao, Porac, Guagua, Santa Rita, Bacolor, Angeles City, Santo Tomas, San Fernando City, San Simon, Macabebe, Minalin, Apalit)
  • Bataan
  • timog bahagi ng Zambales (San Marcelino, San Felipe, San Narciso, San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City)

"Kapag  napanatili ang paggalaw nito [sa bilis na 20 kilometro kada oras], inaasahan po natin na bukas nang umaga ay nasa labas na ng ating [PAR] ang bagyo," sabi pa ni Aurelio.

Sinasabing mananatili ito sa kategoryang tropical storm habang nasa loob pa rin ng PAR.

Mahigit-kumulang 10 katao na ang namamatay dahil sa bagyong "Rolly" sa Bicol, bagay na nagsanhi ng matinding pagbaha at lahar doon.

Mararamdaman naman ang malalakas na hangin hanggang "near gale conditions" na may minsanang pagbugso sa mga lugar na nasa ilalim ng signal no. 1 gaya ng Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at hilagang bahagi ng mainland Cagayan at Zambales. — James Relativo

vuukle comment

PAGASA

ROLLY

SIONY

TROPICAL STORM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with