^

Bansa

Prime Global Corp., nag-business expansion sa gitna ng pandemic

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagtumba ng mga negosyo sa maraming industriya dahil sa pandemya, humahataw naman ang Prime Global Corporation (PGC) sa business expansion plan nito.

Ang PGC ang gumagawa ng iba't ibang food product gamit ang bandera ng “Barrio  Fiesta” brand.

“May growth opportunities sa packaged food category kung saan kasali kami – ang Barrio Fiesta. Marami pa rin kasi ang nasa bahay lang at ang mas gusto nila, s’yempre, ay mga pagkaing lutong bahay,” ani Reychelle Ann Gigante, marketing head ng PGC.

“Saka dumarami ang mga Filipino na gustong maging ‘home chef’. Sa pagpapatuloy ng new normal, siguradong mas gagalingan pa nila ang paghahanda at pagluluto ng Pinoy lutong-bahay recipes at gusto namin na kasama kami sa kanilang food trip!,” dagdag niya.

Dahil sa mga pagba­bagong dulot ng pandemic sa food business landscape, mas pinalawak ng PGC ang kanilang online presence kasabay ng pagpaparami pa ng kanilang food product portfolio mula bagoong, sawsawan, palaman, dry mix, at sitsirya.

Noong 2019, nakopo ng PGC (sa pamamagitan ng Barrio Fiesta Bagoong nito) ang 65% ng local market share sa sautéed shrimp paste cate­gory at 95% naman sa international market.

vuukle comment

PRIME GLOBAL CORP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with