^

Bansa

Roque: Bagong 'quarantine classifications' baka ilabas mamaya

Philstar.com
Roque: Bagong 'quarantine classifications' baka ilabas mamaya
Naglalakad ang mga pulis na ito sa naka-lockdown na Galicia St, Bangkulasi, Navotas noong ika-14 ng Hulyo, 2020
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — May posibilidad na ngayong gabi na ilalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga panibagong community quarantine classifications kontra coronavirus disease (COVID-19), ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, Lunes.

"[H]indi ko lang sigurado, meron po kasing address sa taumbayan ang pangulo ngayong gabi. So sana po 'yung classification ay mapasama po sa kanyang address," sambit ni Roque sa isang virtual briefing.

"May pagpupulong po ang (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases) ngayon, ala-una nga po."

Ito'y habang mainit pang pinag-uusapan kung ilalagay sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ), ibabalik sa striktong lockdown o pananatilihin sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at iba pang mga lugar sa Pilipinas.

Kung nagkataon, mapapaaga ang deklarasyon ni Duterte gayong una nang sinabi ni Roque na maaaring hindi pa ito ilalabas ngayong araw. 

Basahin: What is modified, enhanced, general quarantine? Here's how to tell the difference

May kinalaman: New Metro Manila quarantine status out this week

Ang mga kasalukuyang classifications, na naging epektibo noong ika-1 ng Setyembre, ay nakatakdang mapaso sa ika-30 ng Setyembre.

Mga Metro Manila mayor, GCQ ang gusto

Sa panayam naman ng CNN Philippimes kanina, ibinahagi ni San Juan Mayor Francis Zamora ang napag-usapan ng Metro Manila Council (MMC) at IATF nitong Linggo ng gabi. Karamihan ay nais mapanatili sa GCQ ang National Capital Region (NCR).

Binubuo ang MMC ng 16 city mayors at isang municipal mayor, na siyang naglatatag ng kanilang rekomendasyon sa ipapataw na quarantine restrictions sa kani-kanilang lungsod at bayan.

"Last night was a discussion regarding the mayors’ recommendation as to the quarantine status of Metro Manila, and the general consensus is to maintain the GCQ which I’m also personally in favor of," ani Zamora, para na rin daw hindi lubusang mawasak ang ekonomiya gaya ng ginawa ng mahihigpit na lockdown gaya ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ.

"Even if we retain the GCQ status, it is possible to still slowly increase the operational capacity, meaning, the number of employees that can work, the number of customers that establishments can allow to enter. So these are the guidelines that are now being prepared for."

Sa ngayon, hindi na raw dapat ipinagbabangga ang usapin ng ekonomiya at kalusugan, bagkos ay ipinagsasabay na ito. Aniya, gumagana naman daw ang mga isinasagawang localized lockdowns sa iilang lugar na lubahang matatamaan ng COVID-19 — dahilan para hindi na raw kailanganin ang pagsasara ng buong baranggay, lungsod o rehiyon.

Samantala, nananawagan naman ngayon si Iloilo City Jerry Treñas sa IATF na maibalik sa maluwag-luwag na GCQ ang kanilang lungsod ngayong araw matapos ilagay sa mahigpit-higpit na MECQ nitong Biyernes hanggang ika-9 ng Oktubre.

Apela ng alkalde, pababa naman na raw ang trend ng COVID-19 cases sa kanilang lugar at hinihingi na ng mga negosyante ang muling pagluluwag sa ekonomiya.

"Nag-submit naman po ng sulat si Mayor Trenas. I'm sure aaksyunan naman agad 'yan ng IATF," sambit pa ni Roque.  

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, nasa 304,226 na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang makapasok ito mula sa Wuhan, China. Sa bilang na 'yan, 5,344 ang patay na. — James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH

ENCHANCED COMMUNITY QUARANTINE

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

HARRY ROQUE

LOCKDOWN

MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with