^

Bansa

Makakasira sa mga concrete barrier sa EDSA pagbabayarin

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pagbabayarin ang sinumang motorista na matutukoy na makakasira ng concrete barriers na nakalatag sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay Celine Pialago, spokeperson at Assistant­ Secretary ng Metro Manila Development Authority­ (MMDA), kailangang bayaran ang masisirang concrete barrier dahil bawat isa nito ay nagkakahalaga ng P6,900.00.

Sa kaunting pinsala lamang, maaaring P500 lang para sa pagpapaayos nito, ang pababayaran sa moto­ristang responsable.

Paliwanag ni Pialago, ginagamit lamang na dahilan ang mga barrier sa mga disgrasya sa daan gayung ang kanilang katigasan ng ulo sa pagmamaneho ang tunay na rason.

“If only they will follow the speed limit, there will be no problem. Also, they should not be driving while they are under the influence of alcohol,” aniya.

Samantala, sisimulan na sa Lunes ng susunod na linggo ang pagsasara ng U-turn slots sa Edsa upang bigyang-daan ang EDSA bus carousel program.

Nilagyan na ng MMDA ng signs at markings ang 12 U-turn slots na ipasasara na maaapektuhan sa pag­tatalaga naman ng  16 bus stops sa EDSA mula Balin­tawak hanggang Pasay.

BARRIER

EDSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with