^

Bansa

Banyagang na-pardon ni Duterte 4 lang sa 139... isa na roon si Pemberton

James Relativo - Philstar.com
Banyagang na-pardon ni Duterte 4 lang sa 139... isa na roon si Pemberton
Iprinoprotesta ng mga militanteng ito ang napipintong paglaya ni dating U.S. marine na si Joseph Scott Pemberton, killer ng transgender Filipina na si Jennifer Laude, matapos mabigyan ng "absolute pardon" ni Pangulong Rodrigo Duterte, ika-8 ng Setyembre
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Simula nang manungkulan sa si Pangulong Rodrigo Duterte, mabibilang lang sa isang kamay ang mga dayuhang nabigyan niya ng "pardon" — o pribilehiyong matanggalan ng parusa kahit na napatunayang nagkasala.

Ito ang ibinunyag ni Justice Secretary Menardo Guevara, Miyerkules, sa panayam ng ANC, matapos ang kontrobersyal na paggawad ng "absolute pardon" kay dating U.S. marine na si Joseph Scott Pemberton, na pumaslang sa transgender Filipina na si Jennifer Laude.

Basahin: Duterte binigyan ng 'absolute pardon' si Pemberton sa pagpatay kay Jennifer Laude

"Ang total na nabigyan [ng conditional at absolute pardon] since the president has assumed the position... was something like 139 pardons already," wika ni Guevara.

"This is a lot more than the total number of pardons given under the previous administration."

Aniya, 135 sa mga executive pardons na ito ang ibinigay sa mga Pilipino, habang apat lang napunta sa mga banyaga — kung saan napapabilang ang sundalong Amerikano.

Una nang ipinag-utos ng Olongapo court na palayain si Pemberton — na sangkot sa pagpatay kay Laude habang nasa isang motel noong 2014 — dahil sa "good conduct time allowance," (GCTA) na nagawas sa kanyang anim hanggang 10 taong sintensya sa kulungan.

Naging debate pa kung maaari bang maging saklawin ng GCTA si Pemberton lalo na't wala sa regular na kulungan, walang nakakasalamuhang ibang preso at nasa loob ng espisyal na pasilidad sa Camp Aguinaldo ang dating sundalo, buhat na rin ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Gayunpaman, kinaawaan ni Duterte ang Kano at binigyan ng pardon sa dahilang "hindi naging patas" ang turing sa kanya, lalo na't hindi raw kwinenta ng mga Marines ang mga ginawang mabuting asal sa loob.

"So ‘yung presumption kasi wala namang sumbong, ‘di walang ginawa ‘yung taong masama. In fairness, tapos na ‘yung kuwentada, he was recommended to be released, ‘di i-release mo," wika ni Digong noong Lunes.

"Kaya isip-isip ko — nakikinig lang ako sa ‘yung sa newspaper pati sa radyo — sabi ko, it is not fair, hindi makatarungan."

Nanindigan naman si Guevarra na sariling pagpapasiya ito ni Duterte, bagay na taliwas sa teorya ng ilan na brinaso ng Washington ang Maynila.

Naging malaking isyu pa noon kung saan pananagutin si Pemberton lalo na't may probisyon sa VFA na nagsasabing Amerika ang may jurisdiction sa mga sundalong Kanong lumalabag ng batas sa Pilipinas maliban na lang kung "importante para sa Pilipinas" ang nabanggit na krimen.

CHR dismayado sa desisyon ni Duterte

Samantala, hindi naman nagustuhan ng Commission on Human Rights ang pagpapasya ng pangulo, lalo na't pagyurak daw ito sa karapatang pantao ng mga lesbians, gays, bisexual, transgender, queer, intersex (LGBTQI).

Ayon kay CHR Commisioner Karen Gomez-Dumpit, naaaintindihan naman niya ang kapangyarihan ng pangulong mag-pardon. Gayunpaman, sana'y pinag-isipan daw niya muna ang magiging epekto nito sa mga naulila ni Jennifer.

[T]here is still an obligation to account for the exercise of the pardon, to wield this power with prudence and sensitivity to the plight of victims," wika ni Dumpit.

"Pemberton committed one of the most brutal crimes against a transwoman in the country. Granting a presidential pardon to such a felon is an affront to the LGBTQI community. It is an affront to the Laude family and the LGBTQI community."

Dagdag pa niya, patuloy ang pagdami ng pinapatay na transgender sa buong mundo, kasabay ng tila papailap pa raw na pagkamtam nila ng katarungan.

Kung ang CHR ang tatanungin, hitik sa double standards, hindi patas at walang bahid ng pakikiramdam ang pagbibigay sa kanya ng express pardon.

"The Commission on Human Rights joins the call for the respect and protection of the rights of LGBTQI community, especially those who continue to face abuse, discrimination, and indignities because of their Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, and Sex Characteristics (SOGIESC)," panapos niya.

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

DEPARTMENT OF JUSTICE

JENNIFER LAUDE

JOSEPH SCOTT PEMBERTON

MENARDO GUEVARRA

PARDON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with