'Kontra-bully': DepEd nakiusap na mag-uniporme, pumustura kahit nasa online class
MANILA, Philippines — Kahit na wala sa pisikal na silid-aralan, hinimok ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) sa Visayas na manamit pa rin ng "angkop" ang mga estudyante kahit nasa bahay lang ngayong magsisimula na ang distance learning dalawang linggo mula ngayon.
'Yan ang sinabi ni DepEd Region 7 director Salustiano Jimenez sa panayam ng "Balitang Bisdak" na inere ng GMA News, Martes.
"To prevent from bullying na mangyayari, ini-encourage na dahil nasa platform ka na online, puwede lang magbihis ng angkop sa klase," sambit ni Jimenez sa wikang Cebuano.
Pero paliwanag ni Jimenez, hindi sapilitan ang pagsusuot ng uniporme ngayong "blended learning" ang gagamitin pamamaraan habang may coronavirus disease (COVID-19) pa sa Pilipinas.
Aniya, basta't maayos na pananamit ay pwede. Inaasahan daw ito rahil ituturing na classroom setting ang gagawing pag-aaral.
Hindi lang naman daw ito aasahan sa mga estudyante, ngunit pati sa mga guro.
Una nang pumalag ang ilang estudyante at netizens dito online lalo na't dagdag gastos daw ito at nasa bahay lang. Ang ilan, pinabibili pa raw ng P.E. uniform kahit wala namang pisikal na physical education class na mangyayari.
Hey DepEd please stop putting more pressure on students and mandate them to wear prescribed school uniform during online class. They are sufficiently struggling to afford devices,including, smartphones, laptops, etc., tapos dadagdag pa 'yan?!
— Norjimar Abdulla Appad (@Norjie2002) August 11, 2020
My sister got transferred to a public school this incoming school year, and they're requiring them to wear school uniform while having online classes. Really @DepEd_PH? Gagastos pa ulit para sa uniform? Wala na ngang pang load at gadgets jusko #YesToAcademicFreeze
— Queen Jisoo ???????? (@kimpicassooo) August 6, 2020
@DepEd_PH Kailangan po ba talaga bumili ng P.E UNIFORM ang isang studyante na nago-ONLINE CLASSES na? Diba po ang P.E is an OUTDOOR ACTIVITY. Yes meron din LECTURE pero BAKIT NEED NAKA-P.E UNIFORM eh ONLINE CLASSES NGA? @tinapperez #ALDUB264thWeeksary
— Daisy (@disneydaisy11) August 6, 2020
Magsisimula sa ika-24 ng Agosto ang mga klase at wala na raw makapipigil dito, lalo na't makasasama raw sa mga bata kung mapag-iiwanan ng mga karatig-bansa pagdating sa edukasyon.
"I repeat, we are doing the blended approach here... This Aug. 24 opening is already the furthest of what is legally allowed,," ani Education Secretary Leonor Briones noong Lunes.
"We could not deny the children the opportunity to improve their lives, to prepare them for adulthood."
May kaugnayan: ‘No stopping August 24 opening of classes’
Tumutukoy ang blended learning sa paggamit ng internet, radyo at telebisyon at radyo sa pagtuturo sa gitna ng COVID-19 crisis na umapekto na sa 136,638 katao sa bansa at pumatay na sa 2,293.
Bagama't wala pang harapang pagtuturo ngayong Agosto, una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na papayagan niya ang limitadong face-to-face learning simula Enero 2021 sa mga "low-risk" areas sa hawaan. — James Relativo
- Latest