Marami pang quarantine facilities, itayo - Go
MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Senator at Senate committee on health chairmann Christopher Lawrence “Bong” Go ang kanyang panawagan na magtayo ng marami pang quarantine facilities sa bawat rehiyon sa bansa.
Hiniling ni Sen. Go sa mga kasamang mambabatas na suportahan ang Senate Bill No. 1529 o ang “Mandatory Quarantine Facilities Act of 2020” na kanyang inihain noong May 13, 2020.
“Kung mayroon na tayong nakahandang pasilidad para sa ganitong mga krisis o sakuna, mas mabilis at mas mabisa nating mapoprotektahan ang kalusugan ng kapwa nating Pilipino. The proposed measure filed aims to address this need and establish quarantine facilities all throughout the country,” aniya sa public hearing.
Sa panukala, aatasan ang Department of Health na magtukoy ng mga lokasyon sa pakikipagtulungan ng Department of Public Works and Highways at local government units.
Ang health department ang magpapatakbo, magsu-supervise at mamamahala sa pasilidad na dapat ay may kumpletong gamit at mahuhusay na medical staff, sapat na pagkain, mga damit at iba pa.
Nauna na ring inirekomenda ni Go ang lalo pang pagpapalakas sa pagresponde ng bansa laban sa pandemya.
Sa kasalukuyan, ang DOH-run hospitals ay kapos sa infrastructure, adequate staffing, maintenance at operating resources na nagreresulta sa mahabang paghihintay ng mga pasyente para magamot.
- Latest