RTC judges tumanggi sa COVID test
MANILA, Philippines — Ipinaalala ng Su-preme Court sa mga huwes na kabilang sa tungkulin nila sa publiko at kanilang mga tauhan ang magpasailalim sa COVID-19 tests para matiyak ang kaligtasan ng lahat sa pandemya.
Ito’y makaraang sabi-hin ni Associate Justice Marvic Leonen na ilang trial court judges ang tumanggi na magpasailalim sa rapid testing sa hindi mabatid na dahilan na labis na ikinadismaya ng korte.
Sinabi naman ni Court Administrator Midas Marquez na marami naman na nagpasailalim sa tests habang ang iba na uma-yaw ay maaaring hindi ito nakikitang kailangan dahil sa wala silang nakikitang sintomas.
Isinagawa ang tes-ting para muna sa mga trial court judges sa Metro Manila na siyang sentro ng pandemya sa bansa. Uma-asa naman umano ang maraming huwes sa ibang parte ng bansa na maisasagawa rin ito sa kanila.
Una nang isinailalim sa rapid mass testing ang mga empleyado ng SC at Court of Appeals. Susunod na umano rito ang Court of Tax Appeals.
- Latest