P51 bilyong subsidy sa middle class workers umarangkada
MANILA, Philippines — Inumpisahan na ng Department of Finance (DOF) ang pamamahagi ng P5,000-P8,000 subsidiya para sa mga ‘middle class workers’ ng mga maliliit na negosyo na nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.
Sinabi ni Finance Asst. Secretary Tony Lambino na naipamahagi na ang mga tulong-pinansyal na bahagi ng P51 bilyong pondo sa mga bank accounts at sa remittance.
Magtutuluy-tuloy ito hanggang Mayo 15 na unang tranche habang ang ikalawang tranche ay mula Mayo 16 hanggang Mayo 31.
Pinalawig naman ng DOF ang aplikasyon para sa Small Business Wage Subsidiy (SBWS) program hanggang Mayo 8.
Samantala, gagarantiyahan din ng DOF ang loans ng mga ‘micro-small and medium enterprises (MSMEs) para maengganyo ang mga bangko na magpautang kapag natapos na ang pandemya.
Kung di mababayaran agad ang utang, may ‘sovereign guarantee’ ang naturang utang, ani Lambino.
Nakatakdang maglabas ng implementing rules and regulations (IRR) ang Philippine Guarantee Corporation sa naturang programa.
- Latest