^

Bansa

Pinay sa Taiwan idedeport dahil sa ‘hate posts’ vs Duterte

Danilo Garcia, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng mapauwi ng Pilipinas ang isang Pinay caregiver sa Taiwan dahil sa umano’y “hate posts” nito kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa social media.

Kinilala ni Labor Attache Fidel Macauyag, ang caregiver na si Elanel Ordidor.

Sinabi ni Macauyag, binisita na nila si Ordidor noong Abril 20 sa Yunin County at pinaliwanag ang tungkol sa kanyang mga post sa Facebook kung saan maaari siyang makasuhan sa Taiwan at Pilipinas.

Matapos nito ay na­ngako naman umano ang caregiver na aalisin na ang uploaded videos laban kay Pangulong Duterte.

Subalit makalipas ang ilang oras ay may mga post ulit sa Facebook account ng POLO Tai­chung na nagpapahayag ng suporta kay Ordidor.

Ayon kay Macauyag, gumagamit ng ibang accounts si Ordidor at nagbuo pa ng grupo para siraan ang Pangulo.

Layon din umano ng mga post ni Ordidor na maghasik ng galit sa gitna ng krisis dulot ng pandemic.

Dahil dito kaya kinausap na umano niya ang amo ni Ordidor at ipinaliwanag ang nilalabag ng caregiver na Republic Act 10175 (Cyber Crime Act).

“We are constrained to act for the deportation of a Filipina working as caregiver in Taiwan for the crime of cyber libel for willful posting of nasty and malevolent materials against President Duterte on Facebook intended to cause hatred amidst the global health crisis brought about by the COVID-19 pandemic,” ayon sa Department of Labor and Employment.

ELANEL ORDIDOR

FIDEL MACAUYAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with