Duterte ouster call nag-trend #1 sa mundo sa 'shoot them dead' remark sa kritiko
MANILA, Philippines — Hindi nagustuhan ng marami ang mga panibagong banta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko na bumabatikos sa tugon ng gobyerno sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic, dahilan para bumungad sa mundo online ang galit ng ilang Pinoy.
Sa isang talumpati kagabi tungkol sa paglala ng COVID-19 spread, sinabi ni Digong na hindi siya magdadalawang-isip na gumamit ng dahas — at ipapatay kung kinakailangan — ang mga nagrereklamo tungkol sa pamamahagi ng pagkain sa gitna ng lockdown.
"Gulo o barilan o patayan, I will not hesitate my soldiers to shoot you. I will not hesitate to order the police to arrest and detain you," sabi ni Duterte sa kanyang televised address.
"I am addressing the Left na ‘yung pambabastos ninyo ‘yung slamming about the distribution... Kaya huwag kayong mag gawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID."
Nataon ang talumpati ni Duterte matapos arestuhin ng Philippine National Police ang nasa 20 kataong nagtipon-tipon sa Quezon City na nag-aabang ng ayuda. Reklamo kasi nila, wala nang makain simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine dahil 'di makapagtrabaho.
Nagningas din sa galit ang mga ilan nang ipatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa kanyang "paglabag" diumano sa Bayanihan to Heal as One Act, nang pahintulutan niyang pumasada ang ilang tricycle na naghahatid ng medical staff sa kanilang paroroonan.
Suspendido kasi ang lahat ng pampublikong transportasyon sa buong Luzon simula nang ipataw ang quarantine, sa pagsusumikap na nilang hindi kumalat ang nakamamatay na virus.
Numero unong trend tuloy kagabi sa buong mundo ang panawagang #OUSTDUTERTENOW, na nananawagan para sa agarang pagpapatalsik kay Duterte sa Malacañang.
Screenshot ng worldwide trends sa Twitter kagabi, bandang 10:30 p.m. #1 sa buong mundo ang #OUSTDUTERTENOW noon matapos ang kanyang televised speech. @PhilstarNews @PilStarNgayon
— James Relativo (@james_relativo) April 2, 2020
(??https://t.co/ovMIiWVisS / @prinzmagtulis) pic.twitter.com/WyX2CZyaye
Sa kabila niyan, una at ikalawa na sa Philippine trends ng Twitter ang #istandwiththepresidente at #DutertePaRin, habang ikatlo na lang ang #oustdutertenow.
"My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead. Naintindihan ninyo? Patay," saad pa ni Duterte, na matagal nang binibira ng human rights groups.
"Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil."
Lunes nang sabihin ng PNP na nasa 17,039 na ang inaaresto nila dahil sa paglabag sa quarantine guidelines, malayo sa 4,344 na isinagawang COVID-19 testing para sa mga patients under investigation (PUIs).
Kasalukuyang nasa 2,311 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas — 96 sa kanila ang binabawian na ng buhay.
'Kami ang huwag mong subukan'
Labis ang batikos na inabot ng presidente sa iba't ibang grupo lalo na sa Kaliwa, na primaryang target ni Duterte sa kanyang mga birada sa state media.
"Instead of listening to the people’s calls by providing concrete plans and ensuring adequate and immediate support for all, Duterte does what he does best: he intimidates those with legitimate concerns," pahayag ni National Union of Students Secretary General Jandeil Roperos, Huwebes.
Ani Roperos, hindi naman manlilimos ng government aid ang taumbayan kung nagawa nito nang husto ang kanilang trabaho.
Kahina-hinala rin daw at wala pa ring breakdown ng ilalaang P275 bilyon ng gobyerno na ilalaan para sa COVID-19 response.
"It is a fact of our nation’s history that we the Filipino people, even in the face of fascist rule, are known to stand only for what we deserve. Do not challenge the Filipino people," dagdag ng NUSP leader.
Ayon naman sa Bayan Muna party-list, sinasalamin lang ng nangyaring pang-aaresto sa 20 katao sa Sitio San Roque, QC ang kinakaharap ng marami: gutom ngunit pinakakain ng karahasan.
"The demand is simple—ilabas na ang mga pondo at ibigay na sa mga LGU at mga tao bago dumami pa ang lumalabas sa kalye dahil sa gutom," ani Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.
Ilang impluwensyal na personalidad din sa showbusiness ang nagsalita tungkol sa isyu, gaya ng aktres na si Nadine Lustre, Juan Miguel Severo atbp.
- Latest