^

Bansa

67-anyos na Pinay patay sa COVID-19; 'pandemic' idineklara

James Relativo - Philstar.com
67-anyos na Pinay patay sa COVID-19; 'pandemic' idineklara
Nag-i-i-spray ng disinfectant ang mga bumbero sa isang palengke sa Maynila bilang tugon sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
AFP/Maria Tan

MANILA, Philippines — Kinumpirma kagabi ng Deparment of Health ang pagkamatay ng isang Pilipina dahil sa coronavirus disease (COVID-19), Miyerkules.

Sa isang pahayag kagabi, sinabi ng DOH nanggaling mismo sa kabisera ng Pilipinas ang fatality.

"Ang iniulat na pagkamatay ay isang pasyenteng may ID na PH35, na na-concine sa Manila Doctors Hospital sa Lungsod ng Maynila," sabi ng pahayag sa Inggles.

"Kasalukuyan pang nangangalap ng impormasyon ang DOH patungkol sa naturang pagpanaw."

Sa matrix na ibinahagi ng DOH sa World Health Organization Philippines, sinasabing 67-anyos ang ika-35 kaso, na kasama sa 16 panibagong kaso na iniulat ng DOH kahapon.

Nakidalamhati naman ang international organization ang naturang pagkasawi, na ikalawa na sa kasaysayan ng Pilipinas.

"Labis kaming nalulungkot nang marinig ang pagkamatay ng ng ika-35 kumpirmadong kaso ng #COVID19 case sa Pilipinas," banggit ng WHO Philippines sa kanilang tweet kagabi.

Ika-1 ng Pebrero nang maitala ang unang COVID-19 death sa Pilipinas, na isang 44-anyos na lalaki mula sa Tsina. Ito ang unang pagkamatay buhat ng sakit na nangyari labas sa Tsina, na pinagmulan ng virus.

'Pandemic'

Samantala, idineklara na rin ng WHO ang COVID-19 bilang isang "pandemic," matapos umabot ang kumpirmadong kaso ng sakit sa 118,000 — na kalat-kalat sa 114 bansa.

Sa bilang na 'yan, sinasabing 4,291 na ang namamatay.

"Kailanman, hindi pa tayo nakakita ng pandemic na idinulot ng isang coronavirus. Ito ang pinakauna," sabi ni Tedros Adhanom, na director-general ng WHO.

Ayon pa kay Adhanom, mabigat ang salitang pandemic at hindi dapat gamitin basta-basta: "Hindi pa rin tayo nakakikita ng pandemic na kayang kontrolin."

DEPARTMENT OF HEALTH

FATALITY

NOVEL CORONAVIRUS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with