^

Bansa

Pagbabalik ng GMRC niratipikahan ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pagbabalik ng GMRC niratipikahan ng Kamara
Sa ilalim ng House Bill 5829, isasama ang GMRC at Values Education sa K-12 curriculum.
The STAR/Boy Santos/File

MANILA, Philippines — Niratipikahan na kahapon ng Kamara ang panukala para ibalik ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) at Values Education sa lahat ng mga paaralan sa bansa upang mapanatili ang kagandahang asal sa mga kabataang estudyante.

Sa ilalim ng House Bill 5829, isasama ang GMRC at Values Education sa K-12 curriculum.

I-introduce ito sa Kindergarten at ituturing na hiwalay na asignatura na ituturo mula Grade 1 hanggang 6.

Ituturo naman itong regular subject mula Grade 7 to 10.

Layunin ng panukala na manatili sa mga kabataang Filipino ang Etiquette at Moral Uprightness sa kabila ng pagiging moderno ng panahon.

Si House Speaker Alan Peter Cayetano na pa­ngunahing may-akda ng GMRC Act of 2019 ay iginigiit ang pagbabalik ng core values at moral standards sa mga kabataan lalo’t lantad ang mga ito sa paggamit ng internet na nagiging source nila ng disinformation.

Nauna ng niratipikahan ng Senado ang kaparehong panukala. ??

GMRC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with