3K miyembro ng Chinese Army nasa Pinas
MANILA, Philippines — Nasa Pilipinas ngayon ang tinatayang 2,000 hanggang 3,000 miyembro umano ng People’s Liberation Army (PLA) ng China.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, ibinigay na niya ang nakuhang impormasyon kay Sen. Richard Gordon at bahala na itong magberipika sa intelligence committee.
Bagama’t unvalidated pa umano ang nasabing ulat at subject for validation pa, “good number” umano ang 2,000 hanggang 3,000.
Paliwanag ni Lacson, hindi pa ito kumpirmado kaya kailangan pang i-validate ng intel.
Ang PLA ay organisasyon ng land, sea at air forces ng China at isa sa pinakamalaking military forces sa buong mundo.
Posibleng nandito umano ang mga miyembro ng PLA para sa isang immersion mission subalit kung ano ang eksaktong layunin nito ay nananatiling palaisipan.
Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nakakuha ang mga otoridad ng ID na pag-aari ng dalawang Chinese na suspek sa pagkamatay ng isang Yin Jian Tao na binaril sa loob ng VIP room sa Makati City.
Giit ni Gordon, ang pagkakadiskubre ng PLA IDs mula sa mga Chinese na suspek ay dapat imbestigahan lalo na ang mga Chinese workers na nandito ngayon sa bansa ay nasa recruitment age ng army.
- Latest