Aguirre pinabulaanang sabit siya sa ‘pastillas’

Tulfo kakasuhan
MANILA, Philippines — Ipinahayag kahapon ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na idedemanda niya ang kolumnistang si Ramon Tulfo dahil sa pagdawit sa kanya sa pastillas scheme sa Bureau of Immigration.
Pinabulaanan din ni Aguirre na protektor siya ng sindikatong nagpapapasok ng mga Chinese national sa bansa para makaiwas sa immigration process kapalit ng suhol.
“Ganap na kasinungalingan ang akusasyon ni Tulfo at gawa-gawa lang ni Tulfo. May nagsabi sa akin na siya lang ang nagsabi niyan sa Senado. Kahit ang sinasabing whistleblower ay walang binabanggit na ganitong akusasyon sa akin,” wika pa ni Aguirre sa isang pahayag.
Sinabi pa ni Aguirre na hihilingin niya kay Senador Risa Hontiveros na imbitahan siya at si Tulfo sa susunod na pagdinig kung meron man para masagot niya ang akusasyon.
- Latest























