Panelo binisita ang burol ng ina ni Robredo sa Naga City
MANILA, Philippines — Personal na dumalo sa wake ng yumaong ina ni Bise Presidente Leni Robredo si presidential spokesperson Salvador Panelo, Miyerkules ng gabi.
Ginawa ito ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit na kritiko si Robredo ng madugong "war on drugs" ng administrasyon.
Dumalaw si Sec. Salvador Panelo sa burol ng ina ni VP Leni Robredo na si Salvacion Gerona sa Naga City.
— News5 AKSYON (@News5AKSYON) February 27, 2020
??: OVP pic.twitter.com/E3b02tmGLy
Si Sally Gerona, ang ina ni Robredo, ay namatay noong Sabado.
Si Gerona ay 83-anyos nang mamatay, ayon sa Facebook post ni Robredo.
Una nang sinabi ni Panelo sa isang press briefing kahapon na pupunta siya sa Naga City sa ngalan ng pangulo.
Si Duterte ay hindi nakapunta sa burol dahil humahadlang daw ang ilang trabaho ng pangulo para makiramay sa ina ng vice president.
"[I]nuulit namin ang aming pakikidalamhati sa pamilya ni VP Leni sa pagkamatay ng [kanyang] ina. Pupunta ako roon para ipahayag ang aming pakikidalamhati," sabi ni Panelo sa reporters sa Inggles.
"Nananalangin kami na tanglawan ng ilaw si G. Gerona, at na ang kanyang kaluluwa, sa pamamagitan ng awa ng Diyos, ay mamayapa sa walang-hanggang kaligayahan at katahimikan."
Kilala sina Panelo at Robredo na parehong tubong Bikol.
Samantala, nagpaabot din ng kanyang pakikiramay si Sen. Leila de Lima sa ikalawang pangulo ngayong Huwebes.
"Ang aking taimtim na panalangin, pakikiramay at pakikidalamhati sa iyong pamilya, VP Leni," sabi ng nakapiit na senadora.
Si Gerona, na kilala sa tawag na "Ma'am Sally" ng kanyang mga estudyante, ay isang guro at inilaan ang kanyang buhay sa pagtuturo at paggabay ng mga student journalists, drama at ballet student-artists. — Philstar.com intern Gabriel Ann Gabriel at may mga ulat mula sa ONE News
- Latest