^

Bansa

Bulaklak mahal pa sa 1 sakong bigas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bulaklak mahal pa sa 1 sakong bigas
Bukod sa mga bulaklak, hinahaluan na rin ng iba’t ibang produkto gaya ng mga de-lata, gulay, sabon at alcohol na sinasabing mga praktikal na regalo ngayong Araw ng mga Puso.
Edd Gumban

MANILA, Philippines – Dahil sa mahal na presyo ng bulaklak, iginiit kahapon ni Sen. Imee Marcos na mas mabuti pang isang sakong bigas na lamang ang iregalo ngayong Valentine’s Day.

Ayon kay Marcos, umabot sa P2,500 hanggang P4,000 ang presyo ng ‘bouquet of flowers’ na kung tutuusin ay mas mahal pa sa isang sakong bigas.

Sinabi pa ni Marcos na ang dating P1,000-P1,800 na isang bungkos ng rosas nito lang Enero ay umabot na sa P2,500 habang ang Ecuadorian roses ay naglalaro na ngayon sa P2,500 hanggang P4,000 mula sa dating P2,000 kada bouquet.

Ang Indian rose na dating P400 kada bouquet ay umaabot na sa P600-P800, ang kada piraso ng rosas na galing sa Baguio City ay umabot na sa P100 - P150 mula sa dating P50 habang ang Malaysian mums mula rin sa Baguio City ay P150-P200 kada piraso sa dating P100-P120.

Inaasahan naman na mas tataas pa ngayong araw ang presyo ng mga bulaklak sa mga pamilihan lalo na sa Dangwa.

 

vuukle comment

BULAKLAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with