^

Bansa

Espenido nasa narco list?

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kabilang umano si Police Lt. Col. Jovie Espenido sa 357 narco cops na pinaiimbestigahan ni PNP Chief General Archie Gamboa.

Ayon sa source sa Camp Crame, nitong nakaraang Biyernes nang pulungin ni Gamboa ang 357 narco cops na nasa drug watchlist ni Pangulong Duterte ay lumutang dito si Espenido na naging usap-usapan na siya man ay sangkot sa pagpapakalat ng iligal na droga sa bansa.

Una nang sinibak ni Gamboa bilang hepe ng Bacolod City Police si Espenido at nalagay sa floating status.

Si Espenido ang opisyal na nanguna sa pagsalakay sa  tahanan ni dating Ozamis City mayor Reynaldo Parohinog na naging sanhi ng kamatayan ng alkalde, gayundin sa pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ngayon lamang nito nalaman ang ulat ka­ya’t tatanungin nito si Pa­ngulong Rodrigo Duterte hinggil dito.

Aniya, kukumpirmahin nila kung talagang kasama sa narco-list ang pangalan ng opisyal na kinatakutan ng maraming drug syndi­cate sa Visayas at Mindanao.

Unang lumabas ang report tungkol kay Espenido sa Rappler kaya sinabi ni Panelo na kuwestiyo­nable ito dahil kilala aniya ang online news agency sa fake news.

NARCO LIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->