^

Bansa

US senator pumalag sa Philippine visa rules sa Kano

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumalag ang isang US senator sa banta ng Philippine government na magpapatupad ng panibagong visa rules para sa mga Amerikano kasunod sa pag-apruba ng US Senate na i-ban sa kanilang bansa ang mga opisyal ng Pilipinas na may kagagawan sa pagpapakulong kay Senator Leila de Lima.

Sa isang press statement na ipinalabas kahapon ni US Senator Richard Durbin, sinabi nito na dapat itigil ng Duterte administration ang pagbabanta sa mga US citizens o Filipino-Americans.

Kasabay nito, nanawagan si Durbin sa pamahalaan na pakawalan o bigyan ng agaran at kapani-paniwalang paglilitis si De Lima na isa umanong kritiko ni Pangulong Duterte sa kampanya nito laban sa illegal na droga.

Iginiit pa ni Durbin na isang malaking insulto para sa mga Fil-Ams ang plano ng Duterte administration na pakuhanin muna sila ng visa bago makapasok sa Pilipinas.

Magugunita na nagpatupad ang Malacañang ng travel ban laban kina Durbin at US Senator Patrick Leahy matapos na isulong ng dalawa ang isang probisyon (Prohibition of Entry) sa ilalim ng US Congress 2020 budget kung saan nakapaloob na i-ban sa US ang mga Filipino government officials na nagpakulong kay De Lima.

Nilagdaan at pinagtibay na ni US President Donald Trump ang naturang budget kamakailan.

PHILIPPINE VISA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with