^

Bansa

Safety net sa TRAIN ipinaaalala sa DOF

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng isang lider ng Kamara ang Department of Finance (DOF) na ipatupad ang safety net provisions ng Tax Reform of Acceleration and Inclusion (TRAIN).

Ginawa ni House Deputy Speaker Michael Romero ng 1-Pacman partylist ang pahayag dahil sa inaasahang pagpapatupad ng third tranche ng excise tax para sa mga produktong gasolina sa susunod  na taon.

Ang TRAIN LAW ay nagtaas ng excise tax sa gasolina ng P2.50 kada litro epektibo noong Ene­ro 1,2018, P2 kada litro sa Enero ng sumunod na taon at P1.50 kada litro sa 2020.

Sa ilalim ng batas, inaasahan na, sa Enero 1, 2020, ang gasolina ay magtataas ng P3.50 kada litro na may kabuuang P6.

Inaasahan  na magbibigay ang TRAIN law ng 30 porsiyento na dagdag kita para sa iba’t-ibang programa ng gobyerno  tulad ng unconditional cast transfers (UCT), fuel vouchers at rice subsidies.

Bukod sa gasolina, magtataas din ang excise tax sa tobacco, automobiles , mineral, documentary stamps at sugar sweetened beverages.

DEPARTMENT OF FINANCE

TAX REFORM OF ACCELERATION AND INCLUSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with