^

Bansa

Provincial buses, sapat ngayong holiday season-LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sapat ang bilang ng mga provincial bus na maghahatid-sundo sa inaasahang bulto ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya ngayong holiday season.

Ayon sa  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bukod sa datihan na mga provincial buses na may mga ruta sa mga lalawigan ay may kabuuang 968 special permits pa ang takdang ipalabas ngayong panahon ng Kapaskuhan para sa posibleng pagtaas ng pasahero. Ayon kay Director Joel Bolano, hepe ng Technical Division ng LTFRB, ang pagkakaloob ng special permits ay alinsunod sa  ‘Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019’ na ikinasa ng ahensiya ngayong holiday season.

Anya, ang special permit na ipagkakaloob sa mga bus ay epektibo  December 23, 2019 hanggang January 3, 2020 hanggang sa bumalik sa Metro Manila ang mga umuwing mga pasahero galing probinsiya. Sa  968 special permits para sa mga bus ay aabutin ng 581 units ang ruruta ng North Luzon, 189 units sa South Luzon, 127 units sa  Bicol, 48 units sa  Visayas at 23 units sa  Mindanao.

JOEL BOLANO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with