^

Bansa

Pagbaba ng unemployment rate ikinatuwa ng Malacañang

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng Palasyo ang aniya’y kahanga-ha­ngang accomplishment ng Duterte administration na may kinalaman sa patuloy na pagbaba ng mga naitatalang Pilipinong walang trabaho o unemployed.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, ito na ang pinakamababang unemployment rate na naitatala simula pa nuong 2005.

Repleksiyon at bunga aniya ito ng pagsisikap ng kasalukuyang gobyerno sa ilalim ng Duterte­nomics na pababain ang bilang ng mga tambay o walang trabaho sa bansa.

Dagdag ni Andanar na magpapatuloy pa rin ang socio-economic policies at mga repormang ipatutupad ng pamahalaan sa harap ng target na mapataas pa ang employment rate sa hanay ng mga Pilipino.

Nasa 4.5 percent ang naitala nuong nakaraang buwan na unemployment rate ng bansa na mas mababa sa 5.1% na nai-record nuong Oktubre 2018.

vuukle comment

UNEMPLOYED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with