Arroyo abswelto sa plunder
MANILA, Philippines — Pinawalang sala ng Office of the Ombudsman ang natitirang kasong plunder na isinampa lamang kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at ilang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa umano’y iligal na paggamit ng P73 milyong confidential at intelligence funds (CIF) mula 2004 hanggang 2007.
Sa 10 pahinang resolusyon noong Pebrero subalit kahapon lamang inilabas sa media, binasura nito ang kasong plunder, malversation of public funds at paglabag sa section 3 (e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay Arroyo sa mga opisyal ng PCSO na sina Rosario Uriarte, Sergio Valencia, Benigno Aguas, Gloria Araullo, at Commission on Audit Assistant Commissioner Lourdes Dimapilis at Auditor Nilda Plaras.
Base sa reklamo, pinayagan ni Arroyo ang paglalabas ng regular na CIFs at pinahintulutan ang kahilingan ni Uriarte at Valencia para sa karagdagang CIFs kahit walang specific details at kaukulang dokumento.
Nagkipagsabwatan umano sina Arroyo, Aguas, Araullo, Plaras at Dimapilis kay Uriarte na may kabuuang P57 milyon mula 2004 hanggang 2007.
Gayundin kay Valencia para iligal na gamitin ang pondo sa halagang P15 milyon para sa katulad na taon.
Ang kaso ay isinampa kasabay ng pagkakabasura ng kaso ni Arroyo sa Korte Suprema dahil sa kasong plunder dahil sa umano’y illegal na paggamit ng PCSO intelligence funds mula 2008-2010.
Sa desisyon ng Ombudsman , wala umanong probable cause para idiin sa kaso si Arroyo at mga kasama niya sa nasabing kaso.
- Latest